Nagsimula na umanong tanggalin sa trabaho ang daan-daang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia.
Ayon sa ilang OFW, simula pa lamang noong isang taon ay iniipit na ang kanilang suweldo ng kanilang mga employer.
Tinatayang 500 foreign worker kabilang ang mga Pinoy ang naapektuhan ng tanggalan sa MMG Mohammad Al Mujil Group, na gumagawa ng mga pipeline para sa oil refineries.
Magugunitang inanusyo ng Saudi Government na magtatapyas sila sa paggastos ngayong taon kabilang ang pagkuha ng mga foreign worker upang mabawasan ang record budget deficit sa infrastructure spending.
By Drew Nacino