Bumaba pa sa 7.5% ang naitalang seven-day positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA research fellow Dr. Guido David, ang nasabing numero ay naitala noong November 12, na mas mababa kumpara sa 8.2% noong November 5.
Maliban sa Metro Manila, bumulusok din ang positivity rate sa Batangas, Cavite, Davao del Sur, Iloilo, Misamis Oriental, Rizal, South Cotabato, at Zambales.
Nakitaan naman ng pagtaas sa positivity rate ang ilang lalawigan, partikular ang Cagayan, Camarines Sur, at Pampanga.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga isinailalim sa pagsusuri.