Umakyat na sa halos 600 ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga pasilidad na hawak ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, 27 sa nabanggit na bilang ang nasawi habang 441 naman ang gumaling.
Samantala, 130 ang aktibong kaso kung saan pawang mga mild at asymptomatic ang mga ito.
Magugunitang noong Hulyo, sinabi ni Bucor Director General Gerald Bantag na 21 inmates ng New Bilibid Prison ang nasawi dahil sa COVID-19 kabilang na si Jaybee Sebastian.
Una na ring sinuspinde ng Bucor ang pagtanggap ng bisita sa lahat ng kanilang pasilidad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.