Nadagdagan pa ng 370 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 dahilan upang pumalo na sa 387,617 ang total recoveries sa bansa.
Batay sa pinakahuling COVID-19 bulletin ng Department of Health (DOH), nagkaroon ng 1,631 na bagong kumpirmadong kaso.
Sa 425,918 na kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay 30,047 na lamang ang mga itinuturing na actives cases.
Nakapagtala naman ng pinakamaraming bagong kaso ang Quezon City na 116 na sinundan ng Rizal na 101, Davao City na 95, Laguna na 89, at Maynila na may 65 na bagong kaso.
Samantala, sumirit naman sa 8,255 ang death toll sa bansa kasunod ng pagpanaw ng 46 na pasyente.