Isa na namang balita ang pumutok nito lang September 29 kung saan pormal na inanunsyo ni Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co sa isang Facebook post ang kaniyang resignation bilang myembro ng House of Representative.
Sa kasunod na post naman ay pansamantala muna siyang nagpaalam bilang kinatawan ng kaniyang partido.
Nangyari ang mga announcement na ito sa kaparehas na araw na binigay sa kaniya na deadline para bumalik sa Pilipinas.
Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang tanong kung kailan nga ba ito babalik sa Pilipinas?
Matatandaan na nasa ibang bansa ngayon ang dating kongresista dahil sa kaniyang medical condition.
Sa opisyal na panayam ng DWIZ, tinanong ang nakakagirian nito na si Navotas Rep. Toby Tiangco kung ano nga ba ang posibleng kaharapin ni Zaldy Co kapag umuwi ito sa Pilipinas. Ang kongresista, isa lang naman ang gusto at yan ay ang sagutin ni Zaldy Co ang mga paratang na idinidikit sa pangalan niya.
Habang mas maganda aniya na kanselahin ang passport nito kung sakaling hindi ito babalik sa Pilipinas.
Gayunman, nauna nang nag-resign sa kongreso at naghain ng leave of absence sa Ako Bicol Party-list ang dating kongresista sa kadahilanang nasa panganib umano ang buhay nila ng kaniyang pamilya dahil sa natatanggap nilang mga banta.