Inihayag ni cabinet secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles na kailangang maunawaan at igalang ang kalayaan ng Commission on Election (COMELEC) dahil ito’y isang independent constitutional body.
Matatandaang, binatikos ang COMELEC dahil sa umano’y pag-abuso sa kapangyarihan nito nang ilunsad nito ang “Oplan Baklas”.
Samantala, nanindigan na si COMELEC Spokesperson James Jimenez, na patuloy ipatutupad nasabing panuntunan sa kabila ng mga batikos mula sa iba’t ibang grupo.
Inirekomenda rin ni Jimenez, na ang mga kritiko ng “Oplan Baklas” na magsampa ng reklamo kung may problema sila rito.
Gayunpaman, iginiit pa ni Nograles na lahat ng guidelines hinggil sa election-related activities ay nasa hurisdiksyon ng COMELEC base sa constitutional mandate nito. —sa panulat ni Kim Gomez