Magdaragdag ng tauhan ang CHED o Commission on Higher Education para mapabilis ang proseso ng may labing isang libong (11,000) living allowances para sa mga scholar nito.
Iyan ang pangako ni CHED Chairperson Patricia Licuanan makaraang madelay ang mga naturang allowances bunsod ng maraming kadahilanan tulad na lamang ng aberya sa kanilang internal system.
Maliban dito ani Licuanan, may mga hinihingi aniya sa kanilang dokumento ang COA o Commission on Audit at nagkaroon din ng mga discrepancies sa ilang mga documentary requirements.
Kasunod nito, humingi ng paumanhin si Licuanan sa mga government scholars dahil sa pagka-antala ng kanilang allowances na kadalasang inaasahan ng mga ito maging ng kanilang pamilya.