Suportado ng isang constitutional law expert ang charter change o cha-cha.
Ayon kay dating integrated bar of the philippines o I.B.P. national president Domingo Cayosa, marami nang pagbabago sa mundo, lalo na sa ekonomiya, pulitika at teknolohiya kaya’t dapat isulong ang pagrepaso at pag-amyenda sa konstitusyon.
Kinataigan din ni Cayosa ang panawagan ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno na baguhin ang saligang batas sa pamamagitan ng constitutional convention o con-con.
Gayunman, binigyang-diin ni Atty. Cayosa na sakali mang matuloy ang con-con, hindi dapat mga pulitiko o sinumang may kulay politika ang mag-aamyenda sa saligang batas.
Mas mainam din anya kung magiging unicameral na ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas upang maiwasan ang mga problema gaya ng kinakaharap ngayon ng Senado at Kamara na may magkaibang interpretasyon sa impeachment.