Malaki ang tiwala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na matutugunan ni Pope Leo XIV ang mga kontrobersyang kinahaharap ng Simbahang Katolika.
Naniniwala rin si Jose Cardinal Advincula na susunod ang bagong santo papa sa mga yapak ni Pope Leo XIV na kilala dahil sa mga katuruan nito, partikular na sa socio-political issues.
Bagamat isang Pastor at Spiritual Leader aniya si Pope Leo XIV sa Peru, hindi malilimitahan sa spiritual life ang panunungkulan nito.
Ilan sa mga kinahaharap na isyu ng Simbahang Katolika ang mga kaso ng sexual abuse ng mga pari, paksyon ng mga konserbatibo at progresibo, at kakulangan ng budget.—sa panulat ni John Riz Calata