Balik-normal na ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa mga pantalan sa lalawigan ng Quezon.
Kasunod na rin ito nang pagbuti ng panahon sa Quezon matapos salantain ng Bagyong ‘Ursula’.
Ayon sa Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management , balik-normal na ang biyahe sa Atimonan Feeder Port ngayong araw na ito, ika-26 ng Disyembre, at kabilang dito ang mga biyaheng Atimonan patungong Alabat at Atimonan patungong Perez.
Mayroon na ring biyahe ang mga sasakyang pandagat mula Polillio – pa-Real at pabalik.