Inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa Mindanao ang binabantayang Low Pressure Area o LPA.
Ang nasabing LPA ay pinakahuling namataan sa layong halos anim na raang (600) kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Sinabi ng PAGASA na maliit ang tiyansang maging ganap na bagyo ang LPA.
Samantala, ipinabatid ng PAGASA na makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw na ito ang Caraga at Davao Region.
Patuloy naman ang pag-iral ng northeast monsoon sa buong Luzon kasama ang Metro Manila.
—-