Aabot na sa halos apatnaraang libo katao ang apektado ng mahigit isang buwang bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at ISIS-Maute group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Liza Mazo, ARMM-regional civil defense director, bagaman wala sa Marawi, nagsilikas na rin ang ibang residente sa mga karatig bayan sa takot na kumalat sa kanilang lugar ang kaguluhan.
Aminado si Mazo na nahihirapan na rin ang mga nangunguna sa relief operations sa pagkalat ng mga sakit sa evacuation center sa gitna ng nagpapatuloy na air strikes at artillery shelling ng gobyerno sa mga terorista.
Kabilang anya sa mga ikina-aalarma nila ang mga sakit sa balat at gastroenteritis o hirap matunawan maging ang mga kaso ng psychological trauma dulot ng sagupaan.
Simula pa noong isang buwan ay halos tatlumpung bakwit o evacuee at mga apektadong residente na ang namamatay dahil sa iba’t ibang sakit.
By Drew Nacino
Bilang ng mga taong apektado sa bakbakan sa Marawi umaabot na sa halos 400,000 was last modified: July 2nd, 2017 by DWIZ 882