Umani ng kaliwa’t kanang papuri ang bagong lunsad na ‘Bigas sa Basura’ program ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa sa ilalim ni Mayor Ruffy Biazon.
Ayon kay Public Information Office Chief Tez Navarro, ang implementasyon ng programa ay pinangungunahan ng Environmental Sanitation Center (ESC) at Gender and Development Office (GAD).
Sinabi ni Navarro na kung gaano kabigat ang basura ay ganoon din ang makukuhang bigas ng mga babaeng Muntinlupeño.
“Bigas sa Basura aim is to gather household waste, we encourage women/mothers to segregate waste and bring to ESC in exchange for rice. Since this is Gender Development program, we empower women to earn by getting kilos of rice. We call them Women Eco Warriors. The head of GAD is Mr. Reggie Salonga,” wika ni Navarro.