Maraming benepisyong hatid ang pagpunta sa beach!
Ayon sa mga pag-aaral, nakatutulong ang tanawin ng dagat para pakalmahin ang isip at bawasan ang stress ng isang tao.
Ang kulay asul na dagat ay may epekto sa utak na tumutulong para ma-relax at bumaba ang anxiety ng nakakakita nito.
Ito ay sinabi mismo ng isang clinical psychologist na si michaela jamora ng mind care center, kung saan malaking bagay anya ang “sensory escape” na naibibigay ng beach, maging ang tunog ng alon, simoy ng hangin at init ng araw na nakatutulong para makapagpahinga ang utak at katawan.
Kaya kung feeling mo stressed ka lately, baka kailangan mo ng beach trip at vitamin sea, para ma-recharge!—sa panulat ni Jasper Barleta