Sa bagong generation ngayon, labanan na ng uniqueness at haba ng pangalan ng mga ipinapanganak na baby. Dahil dito, nacha-challenge ang mga bata sa pagsulat ng mga sarili nilang pangalan. Katulad ng bata sa kwento na ito na umiiyak pa habang sinusubukang isulat nang buo ang kaniyang pangalan!
Kung matagumpay itong naisulat ng bata, alamin.
Sa isang video na kinuhanan sa loob ng bahay ng pamilya Dano, makikita ang 4-year-old na si Victoria Merielle na umiiyak habang tinuturuan ng kaniyang daddy na magsulat.
Ang reklamo ni Merielle, masyado raw kasing mahaba ang pangalan niya!
Pero kagaya ng iba, hango pala sa pangalan ng kaniyang parents na sina Victor at Mariel ang kaniyang pangalan.
Ayon kay Victor, ang madalas daw na isulat ng kaniyang anak sa school ay ang first name nito na Victoria, pero ang pagsusulat sa second name nito na merielle, tila isang malaking challenge para sa bata lalo na at nag-aaral pa lang itong magsulat.
Dahil dito, nag-advice raw ang teacher ni Merielle na sanayin ang writing skills ng bata, kung kaya naman gumawa ng writing material ang kaniyang mommy kung saan kakailanganing mag-trace ni Merielle ng letters.
Samantala, improving naman na ang pagsusulat ni Merielle, pero hindi nga lang daw talaga nito maiwasang magreklamo sa tuwing nagpa-practice.
Para kay victor, naniniwala siya na kapag tuluyan nang nasanay at natuto si Merielle sa pagsusulat ay maa-appreciate rin nito ang kaniyang pangalan.
Soon enough, makakapagsulat din nang diretso si baby Merielle nang hindi na nahihirapan at umiiyak.
Sa mga may anak na pre-school diyan, pwede niyo bang i-share ang nakakatuwang kwento kapag tinuturuan niyo sa pag-aaral ang mga chikiting niyo?