Ramdam na sa Florida sa Amerika ang bagsik ng hurricane Irma na inaasahang maglalandfall doon mamayang alas 8:00 ng gabi, oras dito sa Pilipinas
Batay sa nakuhang video ng media outlet na ABC News, mayroon nang malalakas na alon na humahampas sa dalampasigan ng Key West Florida
Napatumba pa nga ng malakas na alon ang isang lalaking kumukuha ng picture sa nasabing baybayin
Libo libong bahay na ang nawalan ng kuryente sa Florida
Habang nasa 6 na Milyong indbidwal na ang inatasang magsilikas
Batay naman sa ulat ng CNN, muling lumakas ang bagyo mula sa category 3 ngayo’y nasa category 4 na ito na mabagal na gumagalaw patungong Florida.