Pinayuhan ang bagong administrasyon ng isang infectious diseases expert na ituloy ang ginagawang pagtugon sa COVID-19 pandemic ng kasalukuyang liderato upang magtuloy-tuloy ang pagbangon at pagbubukas ng ekonomiya.
Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, mahalagang ituloy ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno para makasiguro ng proteksiyon ang mga tao at hindi na bumalik sa hirap lulan ng epekto ng COVID-19.
Binigyang-diin ng eksperto na dapat ipagpatuloy ang paggamit ng face mask at pagsunod sa minimum public health standards para hindi na muling umakyat ang kaso ng kontaminasyon laban sa virus.
Dagdag pa ni Salvaña, hindi pa nawawala ang banta ng COVID-19 kaya dapat na tuloy-tuloy lamang ang ginagawang pag-iingat ng gobyerno at ng sambayanan para sa kaligtasan ng lahat.