Halos lahat na yata ng aspeto sa buhay natin ay nakakasabay na ngayon sa modernization. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na posible na palang makakita ang isang tao gamit ang kaniyang ngipin? Sa ganyang paraan ngayon nakakakita ang isang babae mula sa Canada matapos nitong magkasakit at mamuhay nang walang paningin sa loob ng sampung taon.
Kung ano nga ba ang ibang purpose ng ngipin sa kwento ng babae, eto.
Sampung taon na ang nakakaraan nang tamaan ng auto-immune disorder ang ngayo’y 75-anyos na si Gail Lane mula sa Canada.
Dahil dito ay nagkaroon ng scarring ang mga cornea ni Gail na naging dahilan para mabulag ito.
Sa loob ng sampung taon, namuhay ang matanda nang walang paningin pero sa tulong ng osteo-odonto keratoprosthesis procedure o tooth-in-eye surgery na dinala ng opthalmologist na si Dr. Greg Moloney sa Canada, muling nabigyan ng pag-asa si gail na makakita.
Ayon sa doktor mula sa Mount Saint Joseph Hospital, para maisagawa ang kakaibang procedure ay kinakailangang tanggalan ng ngipin ang pasyente.
Ii-implant ang ngipin sa pisngi ng pasyente at hihintayin na palibutan ito ng mga connective tissues bago lagyan ng lens bago itahi sa eye socket ng pasyente.
Dagdag pa ni Dr. Moloney, hindi man komprotable ang procedure, hindi naman daw makakaramdam ng sakit ang pasyente. Sa ngayon, kabilang na si Gail sa tatlong Canadians na sumailalim sa kaparehas na operasyon.
Ayon kay Gail, ilaw ang pinakauna niyang naaninag matapos siyang maoperahan. Tila isa ring luxury sa mahabang panahon ang makakita ng mga kulay at mga halaman kung kaya sinabi ni Gail na worth it ang ginawa niyang paghihintay.
Higit sa lahat, nakita niya na rin sa unang pagkakataon ang kaniyang partner na si Phil na nakilala niya matapos siyang mabulag.
Ikaw, nagulat ka rin ba na mayroong ganoong uri ng procedure na nage-exist?