Doble-dobleng trahedya ang ikinaharap ng isang nanay mula sa Malaysia matapos magkasunod na pumanaw ang kaniyang mag-ama sa isang aksidente na nangyari sa loob mismo ng kanilang bahay.
Kung ano ang nangyari sa mag-ama, eto.
Unang araw sa pagbabalik-trabaho ng 40-anyos na si Azura Abdul Malik mula sa malaysia nang matagpuan nito ang kaniyang asawa at three-month-old baby na kapwa wala ng buhay sa kama.
Agad na humingi ng tulong si Azura sa kaniyang hipag naninirahan sa katabi nilang bahay para maisugod ang kaniyang mag-ama sa ospital.
Sa isang pahayag, sinabi ng kaniyang hipag na natagapuan na lang walang na malay ang baby at nag-kulay asul na ang balat sa ilalim ng braso ng tatay nito.
Dagdag pa nito, wala umanong iniindang sakit ang kaniyang kapatid bukod sa inireklamo nitong chest pain isang araw bago ito pumanaw.
Pero batay sa isinagawang imbestigasyon sa bahay ng pamilya, napag-alaman na maaaring heart attack ang ikinamatay ng lalaki at pinaniniwalaan na binawian ito ng buhay dalawa hanggang tatlong oras bago sila natagpuan ng kaniyang misis.
Samantala, naisugod pa ang bata sa ospital ngunit binawian din ito ng buhay habang ginagamot.
Sa mga magulang diyan, ano sa tingin niyo ang maaaring paraan para maiwasan ang ganitong uri ng insidente sa loob mismo ng inyong bahay para masiguro ang safety ng inyong pamilya?