Ang pagkakaroon ng safe space at privacy ang mga pangunahing dahilan kung bakit bumubukod ng bahay ang mga tao. Pero ang babaeng ito sa China, nagkaroon ng mental problems matapos na-violate ang privacy nang makita siya ng mga window cleaners na natutulog nang walang damit.
Kung ano ang kinahinatnan ng babae, eto.
Naninirahan ang isang mag-asawa sa isang high-end apartment sa Chengdu na matatagpuan sa Sichuan Province, China na may buwanang renta na nagkakahalaga ng 10,000 yuan o halos 80,000 pesos.
Bilang isa itong mamahaling apartment, mayroong taga-linis ang building at nagbilin pa ang mister na kinilalang si Mr. Cheng sa management, front desk, housekeeper, at group chat na abisuhan muna sila bago linisan ang labas ng kanilang glass wall.
Pero kahit na hindi ito nagkulang sa paalala, nagulantang na lang isang umaga si Mrs. Cheng nang magising ito na mayroong sumulpot na dalawang window cleaners na nakakita sa kaniyang natutulog nang nakahubad. Bukod pa riyan, naiwanan ding nakabukas ang kanilang kurtina.
Ayon kay Mr. Cheng, pagkalipas ng apat na buwan simula ng insidente ay nauwi ang kaniyang misis sa depression at anxiety pagkatapos ng nakakagulantang at nakakahiyang insidente.
Dagdag pa ng mister, nag-demand siya ng public apology para sa kaniyang misis at compensation package mula sa management pero nagpadala lang ang mga ito ng tao na nag-deliver sa kanila ng mga prutas.
Ang compensation na hinihingi nila mula sa management, naging isang discount offer na 600 yuan para sa susunod nilang kontrata, pero hindi ito umubra sa mag-asawa.
Samantala, hati ang naging opinyon ng mga netizen online tungkol sa insidente. Kung ang ilan ay hindi nagustuhan ang hindi pag-inform ng management sa mga tenant tungkol sa paglilinis, maayroon ding isinisi na iniwang bukas ng misis ang kurtina bago siya natulog.
Kung ikaw ang nakaranas sa ganoong klase ng kahihiyan, ano ang kompensasyon ang hihingin mo at hanggang saan ang kaya mong gawin hanggang sa makuha mo ito?