Kadalasan ay mararamdaman natin ang unconditional love mula sa ating mga magulang o sa mga partner natin in life. Pero ang babaeng ito sa China, walang pag-aalinlangang ipinaramdam ang kaniyang unconditional love sa mga magulang ng kaniyang yumaong ex-boyfriend at inalagaan pa rin ang mga ito kahit na ikinasal na siya.
Ang kwento ng babae, eto.
Taong 2016 nang bawian ng buhay sa isang car accident si Zeng Zhi, ang nobyo ng 34-anyos na si Wang Ting mula sa Hunan Province na matatagpuan sa Central China.
Matapos bawian ng buhay si Zeng ay nakaranas ng mental breakdown ang kaniyang nanay, habang ang tatay niya namang may sakit sa puso ay kinakailangang dalhin sa ospital. Ang tiyuhin naman nito ay mayroong anak na may mental illness at hindi ito maalagaan.
Ang iniwang pamilya ni zeng, sinalo ng kaniyang ex-girlfriend na si wang ting at inalagaan sa loob ng siyam na taon. Isinasama niya sa bakasyon ang nanay ni Zeng para makapagpahinga at binabantayan niya rin ang tatay nito sa tuwing naoospital. Pati ang pinsan ng lalaki na mayroong iniindang sakit ay binibisita niya rin.
Bukod sa iniwang pamilya ng kaniyang businessman ex-boyfriend, binayaran niya rin ang mga utang nitong sahod sa mga empleyado at mga loan mula sa mga kaibigan na nagkakahalaga ng 600,000 yuan o mahigit 4.6 million pesos.
Bagama’t sinubukan siyang pigilan ng mga tao na akuin ang mga responsibilidad na ito, bukal sa puso niya pa rin itong inako. Gamit ang kaniyang savings na 200,000 yuan o mahigit 1.5 million pesos, lumipat siya sa ibang probinsya para doon magtrabaho. Nanghiram din siya ng pera sa kaniyang mga kaibigan para tapusin na ang mga natitirang balanse.
Apat na taon nang mamatay si Zeng, nagpakasal si Wang at inimbita ang mga magulang nito na para sa kaniya ay mga importanteng tao sa kaniyang buhay.
Sa ngayon, nagmamay-ari na si Wang ng isang food firm at tourism business na ayon sa mga netizen online ay isang reward para sa kaniyang kabaitan.
Sa mga may ex-partners diyan, kumusta ang relationship niyo sa mga magulang nila? Naputol din ba ito matapos ang inyong breakup?