Nag-alok ng travel vouchers at rebooking of flights ang Philippine Airlines (PAL) dahil sa pagkakaroon ng on-hold flights ngayong araw.
Ito ay upang mabigyan ng opsyon ang mga pasahero na ipagpaliban muna ang pagbyahe para mabawasan ang dami ng mga pasahero sa loob ng paliparan.
Nagbigay rin ng food packs ang PAL at iba pang airline companies tulad ng gulf air at Korean airlines para maibsan ang kanilang gutom dahil sa pagkaka stranded dulot ng glitch sa air traffic sytems ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Samantala, patuloy naman ang MIAA sa pagde-deploy ng emergency response teams at CAAP sa pagreresolba ng naturang aberya para alalayan ang mga pasaherong naapektuhan kahapon. —mula sa panulat ni Hannah Oledan
DWIZ 882
Balik-operasyon na ang mga flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ilang oras matapos ang naganap na aberya sa air traffic system.
Magugunitang nagkaroon ng technical problem sa air traffic system ngayong araw dahilan para maantala ang flight nang nasa 56,000 na pasahero.
Samantala, patuloy pa rin sa paggawa ng mga hakbang ang Civil Aviations Authority of the Philippines (CAAP) para agarang maibalik sa normal ang byahe sa mga terminal ng NAIA. —mula sa panulat ni Hannah Oledan
Pilipinas kayang makipagsabayan sa Vietnam at India bilang fastest growing economy sa Asia Pacific region—Cong. Salceda
Nakatitiyak si House Ways and Means Committee chair Joey Salceda na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa Vietnam at India bilang fastest growing economy sa Asia-Pacific Region ngayong taon.
Inaasahan din ni Salceda ang pagbaba ng inflation rate sa susunod na taon.
Unti-unti namang bumabalik ang tiwala ng mga pribadong sektor na maibabalik sa pre-pandemic level ang unemployment rate sa bansa.
Anang mambabatas, kailangan lang na maging agresibo ng pamahalaan upang maibenta ang Pilipinas bilang manufacturing destination.
Ito ay matapos makapagtala ng highest annual growth rate na 76.4% ang manufacturing sector noong Oktubre nang nakaraang taon.
Samantala, sinabi rin ni Salceda na dapat mahimok ang investors sa BPO at technological manufacturing sector na mamuhunan sa Pilipinas, kasunod ng paglipat ng mga semi-conducting manufacturing company mula China patungo sa mga bansa na kaalyado ng Amerika. —mula sa panulat ni Hannah Oledan
Naiuwi ng Los Angeles Lakers ang panalo kontra Atlanta Hawks sa score na 130-121.
Nasungkit ng koponan ang panalo matapos makapagdala ng 47 points si NBA Star Lebron James kasabay pa ng kanyang 38th birthday.
Ayon sa ulat, ito ang kanyang 40 points efforts ngayong season, ikalawa na makamit sa isang birthday contest at ang ika-70th 40-point performance ng kanyang 20 season NBA career.
Si James ang isa sa apat na manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nakapuntos ng 45 points sa edad na 38 years old o higit pa kasama sina Michael Jordan, Kareem Abdul Jabbar at Jamal Crawford.
Sinalubong ng baha ang Bayan ng Magdiwang, Sibuyan Island, Romblon noong bisperas ng bagong taon.
Ayon kay Roland Paniagua, Magdiwang MDRRMO Head, ala-1 ng madaling araw nang rumagasa ang tubig-baha sa Barangay Dulangan, Tampayan, Barangay Jao-asan, Barangay Agutay, Barangay Ambulong at Barangay Ipil sanhi ng malakas na pag-ulan dahilan para umapaw ng Patuo River at Dulangan River.
Tinatayang mahigit isang metro ang taas ng baha at nasa 70 pamilya ang naapektuhan. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon
Nakaranas ng technical glitch ang Air Traffic Management System ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) alas 9:49 ng umaga kanina.
Kinumpirma ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na nagkaroon ng technical issues ang ahensya na ngayon ay kanila nang tinutugunan para sa kaligtasan ng publiko.
Agaran namang nagpatawag ng emergency meeting si Department of Transportation (DOTr) sec. Jimmy Bautista kasama sina Airport General Manager Cesar Chiong, CAAP Dir. Gen. Skee Tamayo at iba pang airport operations para suriin ang sitwasyon.
Ayon sa ulat may mga domestic flights na napilitang bumalik sa probinsya at international flights na nag-divert sa pinakamalapit na paliparan. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)
Itinakbo sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang isang lalaki matapos matamaan ng kuwitis sa likod, ilang minuto matapos ang pagsalubong sa bagong taon.
Sinabi ni Dr. John Paul Ner, tagapagsalita ng EAMC, ikalawang kaso ito ng fireworks-related injuries sa ospital.
Bukod pa rito, hindi umano gumagamit ng paputok ang pasyente habang wala namang naitalang kaso ang ospital ng firecracker poisoning.
Matatandaang sinabi ng pamunuan ng ospital na handa sila sa pagdagsa ng mga pasyente na magiging biktima ng paputok.
Samantala, nakapagtala ng 15 kaso ng mga pasyente na isinugod sa ospital dahil sa aksidente sa daan.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH) pumalo na sa mahigit 85 ang kabuuang kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon
Tatlong indibidwal ang nagtamo ng injury matapos maging biktima ng paputok at dinala sa magkahiwalay na ospital sa lungsod ng Muntinlupa nitong bisperas ng bagong taon.
Kinilala ang mga biktima na sina Richard Bultron, Joel Sabilao, at Emmanuel Sarewas.
Nabigyan ng paunang lunas ang mga biktima at nagsagawa ng X-ray, Anti-tetanus vaccination.
Ayon sa mga triage nurse ng ospital ng Muntinlupa at Medical Center Muntinlupa, kakaunti lamang ang mga naisugod na firecracker-related injuries sa mga nasabing ospital ngayong taon. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon
Nais ni Senator Francis Tolentino na ilaan sa Indigenous People’s (IPs) ang 10% slot sa Military at Police Academies upang maitaguyod ang indigenous sector.
Pangunahing layunin sa isinusulong ni Tolentino na Senate Bill 1587 o ang panukalang Katutubong Tagapagtanggol Act na kilalanin at itaguyod ang civil, political, economic, social at cultural rights ng IPs at ng kanilang mga komunidad.
Dagdag pa rito, masisiguro na maibibigay sa mga ito ang kanilang mga karapatan, proteksyon, at pribilehiyo ukol sa recruitment at employment.
Sa ilalim rin ng panukala, imamandato ang pagtanggap sa mga IPs sa mga academic programs ng Philippine Military Academy (PMA) at ang Philippine National Police para masiguro na hindi magkakaroon ng diskrimasyon sa kanila.
Pamumunuan ang nasabing programa ng Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG). —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang mga Pilipino ngayong taong 2023 na magkaisa at maging matatag sa gitna na rin ng mga kinakaharap na hamon ng bansa kabilang na ang pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin.
Dagdag pa ni Marcos Jr. mapagtatagumpayan ang mga hamon dahil na rin sa bayanihan spirit ng mga Pinoy.
Sumipa ang inflation sa 8.8% noong nakalipas na buwan ng Nobyembre. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon