May apela si Incoming Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo sa kampo ni Senador Bong Bong Marcos.
Ayon kay Atty. Panelo, dapat kausapin ni Sen. Marcos ang runningmate na si Senadora Miriam Defensor-Santiago na mag-concede na dahil overwhelming naman ang botong nakuha ni Presumptive President Rodrigo Duterte.
Sakali aniyang mag-concede na si Senator Santiago, maaari nang iproklama si Mayor Duterte bilang bagong Pangulo at mahihinto na rin ang pagtawag dito bilang Presumptive President.
By: Meann Tanbio