Pansamantalang itinigil nina Claudine Barretto at Raymart Santiago ang kanilang annulment.
Katwiran ng dalawa nais nilang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pagiging magulang nila sa dalawa nilang anak.
Sinabi ni Claudine na nabigo aniya silang maging mabuting mag-asawa ngunit ayaw naman aniya nilang mabigo o magkulang pa sa pagiging magulang.
Sa ngayon ay mabuting magkaibigan naman sila ng nakahiwalayang si Raymart.
Kapwa aniya sila single ngayon at wala ring plano sina Caludine at Raymart na magpakasal pa sa iba.
By Ralph Obina