Hindi pa umano handa si Anne Curtis na magka-baby.
Ayon kay Anne, ini-enjoy pa nila ang kanilang bonding ng asawang si Erwan Heussaff.
Marami pa aniya silang gustong gawin at pasyalan na mga bansa.
Giit pa ni Anne, hindi minamadali ang pagbubuntis dahil isang mabigat na responsibilidad ang pagiging ina.
Dagdag pa ni Anne, ibibigay ng Diyos sa tamang panahon ang pagkakaroon nila ng anak.
Ikinasal ang dalawa sa isang garden wedding sa New Zealand kasama ang kanilang pinakamamalapit na pamilya at kaibigan.
—-