Isinusulong ng Phapi Private Hospitals Association of the Philippines ang dalawang linggong extension ng alert level 4 sa NCR.
Ayon kay Dr. Jose De Grano, pangulo ng Phapi, hindi kumbinsido ang healthcare professionals na pababa ang kaso ng COVID-19 kaya’t maaga pa para ibaba ang alert level system sa Metro Manila.
Sinabi ni De Grano na mataas pa rin ang mahigit 10,000 COVID-19 cases kada araw kahit pa pababa na ang trend dahil sa ipinatutupad na alert level system.
Bukod dito, ipinabatid ni De Grano na puno pa rin ang mga pribadong ospital sa NCR at nasa kritikal na sitwasyon dahil sa kakulangan ng healthcare workers.