Hinimok ni Quezon City Cong. Alfred Vargas ang pamahalaan na agarang mag-imbentaryo ng mga air assets na pag-aari o inuupahan ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) sa gitna ng paghahanda ng bansa para sa pagbabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Vargas, sa hakbang na ito, makasisiguro ang pamahalaan na madaling makararating sa mga malalayong lugar ang suplay ng bakuna sa pamamagitan ng ating mga air assets.
Pagdidiin pa ni Vargas, kinakailangan ng pamahalaan ng mas maraming logistic support para masigurong mabilis na aarangkada ang pagbabakuna.
Kasunod nito, sa tingin ni Vargas, para magamit ng maayos at husto ang ating mga air assets, dapat aniya itong isailalim muna sa kontrol ng militar.