Aabot sa 709 na mga senior citizen sa San Jose Del Monte, Bulacan ang tumanggap ng pensiyon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD, mag–uuwi ang bawat isang indigent senior citizen ng p1,500 para sa ikatlong kwarter ng taon bilang bahagi ng programa ng ahensya na makakatulong para sa gastusin at pangangailangang medikal ng edad 60 pataas.
Ayon sa ahensya, nito lamang nakalipas na Martes, nasa 709 ang eksaktong bilang ng mga benipisyaryong tumanggap para sa kanilang pensiyon.