Umabot na sa 600k bakuna ang na-administer o naiturok sa loob lamang ng isang araw.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, ito ang kauna-unahang naitalang pinakamataas na naiturok para maabot ang population protection sa bansa.
Sa ngayon, umabot na sa 18.1 milyong COVID-19 vaccine ang naiturok sa bansa kung saan mahigit 11.3 milyon ang nakatanggap ng unang dose at mahigit 6.8 milyon ang nakatanggap ng ikalawang dose o yung mga fully vaccinated na.