60 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang magsisilbi bilang electoral board members sa special elections sa Lanao del Sur bukas.
Ayon kay COMELEC Deputy Executive Director for Operations Teopisto Elnas, sumailalim sa training at may certificate ang nasabing bilang ng police officers.
Binigyang-diin din niya na ang mga pulis ang magka-conduct ng halalan para ito ay mapanatiling matiwasay at mapayapa.
Nabatid na isasagawa ang special elections sa labing dalawang barangay sa bayan ng tubaran sa naturang probinsya.