Aabot sa 5.8 bilyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat sa National Capital Region (NCR) simula noong Nobyembre ng nakalipas na taon.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major General Vicente Danao, resulta ito ng ikinasang 12,597 anti-drug operations mula November 2020 hanggang December 12, 2021.
Kabilang sa mga nakumpiska ng mga otoridad ang halos 840 kilo ng shabu, mahigit 568 kilo ng marijuana, 27-milyong pisong halaga ng ecstacy, at 286 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng 1.5-milyong piso.
Maliban sa kampanya kontra sa iligal na droga, naisagawa rin ang 6,099 anti-illegal gambling operations sa kaparehong panahon na nagresulta naman sa pagkakadakip ng 18,000 violators at pagkakakumpiska ng 5.4-milyong pisong illegal bets.
Habang nasa 1,353 indibidwal naman ang naaresto ng mga otoridad sa 1,296 na mga operasyon kontra sa loose firearms.