Lumabas sa isang pag-aaral na 28.8% ng pamilyang Pilipino sa bansa ay naninirahan sa extended o multifamily households, kung saan kasama sa iisang tahanan ang mga kamag-anak na hindi bahagi ng conjugal family.
Ayon sa Philippine Institute for Development Studies, bumaba ang bilang ng nuclear households mula 71% noong 1990 sa 61% noong 2020, habang tumaas naman ang extended at multifamily arrangements mula 25% sa 29% sa parehong panahon.
Ayon kay PIDS Supervising Research Specialist Tatum Ramos, ang ganitong setup ay bunga ng mga estratehiyang pangkabuhayan kung saan nagsasama-sama ang mga pamilya upang magtulungan sa gastusin sa pamumuhay at pabahay.
Dagdag pa niya, sa halip na ituring itong problema, ang extended households ay maaaring ituring na adaptive social strategy na nagpapalakas ng pagtutulungan sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya.
—sa panulat ni Jasper Barleta