Humihirit si Vice President Sara Duterte sa International Criminal Court na bigyan ng bente kwatro oras na caregiver si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang nakapiit sa detention facility sa The Hague Netherlands.
Kasunod ito ng ibinunyag ni VP Sara na nawalan ng malay ang kanyang ama habang nasa kustodiya ng ICC.
Tinawag ng Bise Presidente na very alarming ang sitwasyon ni dating Pangulong Duterte sa piitan dahil hindi naman tinitiyak ng ICC ang kaligtasan ng kanyang ama.
Sinabi pa ni VP Duterte na hindi ito ang unang pagkakataon natumba ang dating Pangulo kaya’t nababahala siya sa kaligtasan nito.
Matatandaang kwenestyon ng Pangalawang Pangulo ang welfare check ng Philippine Embassy sa Netherlands sa nakatatandang Duterte sapagkat hindi naman ito ipinalaam sa kanilang pamilya maging sa defense team nito.