Dalawampu’t isang libong (21,000) pulis ang madaragdag sa puwersa ng Philippine National Police (PNP) ngayong taon.
Ayon kay outgoing DILG Secretary Mel Senen Sarmiento, ang unang 10,000 pulis na nakatakda nang manumpa sa Hunyo ay ipakakalat sa mga probinsya na nahaharap sa malaking hamon tulad ng rebelyon.
Ngayong Hunyo naman anya nagsimula na ang recruitment para sa dagdag na 11,000 pulis na inaasahang makakapanumpa sa buwan ng Nobyembre.
Ang ikalawang cycle anya ng recruitment na tinawag nilang attrition ay pamalit sa mga nag retiro nang pulis, nasawi, natanggal o nagbitiw na sa serbisyo.
Tiniyak ni Sarmiento na ang lahat ng kinuha nilang bagong recruits sa PNP ay dumaan sa matinding screening tulad ng drug test, face to face interview, psychological at psychiatric test, kumpletong background investigation at committee deliberations.
By Len Aguirre