Monthly Archives
July 2025
Naitala ang mahahabang pila ng mga residente sa mga gasolinahan sa Bohol para bumili ng gaas o kerosene.
Ito ay dahil sa hanggang sa ngayon ay wala pa ring suplay ng kuryente ang buong lalawigan dahil sa pagtama ng 6.5 magnitude na lindol sa Leyte.
Ayon sa ulat, nagsisimula nanag magkaubusan ng gaas na ginagamit para sa mga lampara.
Dahil dito, napipilitan ang mga residente na gumamit ng kandila sa kanilang mga bahay na balot ng dilim.
By Ralph Obina
Mahahabang pila sa mga gasolinahan sa Bohol naitala was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Mas kilalanin pa ang mga millennials, partikular ang mga karakter ng Pinoy millennials. Narito ang malalimang pag-siyasat ng DWIZ sa mga tinaguriang ‘social media’ o ‘selfie’ generation.
PAKINGGAN:
Unang bahagi ng SIYASAT
Ikalawang bahagi ng SIYASAT
SIYASAT—’Millennials’ was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Naisakatuparan na ang unang face to face talks ni US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.
Nangyari ito sa sidelines ng G-20 Summit sa Hamburg, Germany.
Ayon sa ulat, ipinahayag ni Putin ang kagalakan nitong makita nang personal si Trump.
Habang isang karangalan naman para sa US President ang makasama si Putin.
Sinabi ni Trump na naging maganda ang pag-uusap nila ni Putin at inaasahan aniyang masusundan pa ito para sa magandang relasyon ng dalawang makapangyarihang bansa.
Matatandaang kasabay ng G-20 Summit ay ang protesta ng libu-libong tutol sa prisensya nina Trump at Putin sa Germany.
By Ralph Obina
Trump at Putin nagkaharap na sa sidelines ng G-20 Summit sa Germany was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Muling tinangka ng Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa Marawi City.
Sa ipinost na litrato ni Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson makikita ang Pangulo na nakasuot ng military fatigue na bumisita sa 2nd Mechanized Infantry Brigade sa Iligan City na isang oras mula sa Marawi City.
Sinabi ni Uson na plano sana ng Pangulo na magtungo sa Marawi City subalit hindi na ito tumuloy dahil masama ang panahon.
By Judith Larino
Pangulong Duterte tinangkang bumisita sa Marawi City was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Wasak ang isang ambulansya makaraang sumalpok ito sa tren ng Philippine National Railways o PNR sa Blumentritt, Maynila.
Nagtamo ng pinasala ang lima (5) kataong sakay ng ambulansya kabilang ang isang buntis.
Agad namang dinala sa Jose Reyes Medical Center ang mga sakay ng ambulansya.
Ayon sa mga nakasaksi, nakatawid na sana ng riles ang ambulansya kung hindi ito naipit ng mga tricycle doon.
Napag-alaman din na nasa kritikal na kalagayan ang buhay ng nasabing driver ng ambulansya dahil sa bakal na tumama sa kanyang katawan dahil sa pagkakasalpok sa tren ng PNR.
By Ralph Obina
Ambulansya wasak sa pagkakasalpok sa isang tren ng PNR sa Maynila was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Ikinatuwa ng Malacañang ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan nakapagtala ng panibagong record high na net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay makaraang makakuha si Pangulong Duterte ng positive 66 na net satisfaction rating para sa ikalawang bahagi ng 2017 na mas mataas sa positive 63 net satisfaction rating noong Marso.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pinapakita lamang ng survey na tumataas ang kumpiyansa ng mga mamamayan sa pamumuno ng Pangulo sa bansa.
Malinaw din ayon kay Abella na nagpapakita rin lamang ito ng suporta ng publiko sa idineklarang Martial Law ng Pangulo sa Mindanao kasunod ng paghahasik ng karahasan ng teroristang Maute.
Ang nasabing positibong pagkilala aniya ay magsisilbing inspirasyon sa gobyerno para pagsikapang maibalik sa normal ang buhay ng mga taga-Marawi.
By Ralph Obina
Pinakabagong survey ng SWS ikinatuwa ng Palasyo was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Mahigit isang milyong istruktura ang posibleng mapinsala kung tatama ang 6.5 magnitude na lindol sa Metro Manila gaya ng nangyari sa Leyte.
Batay sa taya ng National Statistics Office o NSO, inaasahang nasa 34,000 ang posibleng masawi habang nasa mahigit 100,000 ang masusugatan sakaling tumama na ang The Big One.
Sinabi ng NDRRMC na posible namang mapababa ang bilang na ito sa pamamagitan ng tamang paghahanda at pagkakaroon ng tamang kaalaman ukol sa lindol.
Binigyang diin ng NDRRMC na ngayon pa lang ay dapat nang suriin o kaya ay ayusin ang mga kabahayan para matiyak na kaya nitong tumagal sa pagtama ng lindol.
By Ralph Obina
34000 posibleng masawi sa 6.5 lindol sa Metro Manila was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Pangunahing target ng opensiba ng militar ang mga lugar na posibleng pinagtataguan ng emir ng ISIS sa Pilipinas at Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. General Restituto Padilla, kumbinsido silang nasa loob pa ng Marawi si Hapilon.
Gayunman, hindi pa matukoy ng militar ang eksaktong lokasyon ni Hapilon.
Samantala, kinukumpirma pa din ng AFP ang balitang isa sa Maute brothers ang napatay na.
By Ralph Obina
Pinagtataguan ni Hapilon sa Marawi target ng militar was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Pagbubunyag ni Paolo Bediones sa sakit nito sa balat ikinagulat ng mga followers
written by DWIZ 882
Nagulat ang followers sa social media ng dating host na si Paolo Bediones sa pagbubunyag nito ng sakit niya sa balat na psoriasis.
Magugunitang July 5 nang i-post ni Bediones sa kanyang Facebook account ang aniya’y itinago niyang sakit sa halos kalahating taon ng kanyang buhay.
Sinabi ni Paolo na maraming taon ang nakakaranas ng nasabing sakit at kailangan nilang maghanda sa mga kakaharaping kritisismo mula sa ibang tao.
Tila aniya nakakaranas sila ng rejection o isolation o discrimination mula sa ilang nakakasalamuha nila paglabas nila sa real world.
Umapela rin si Paolo sa mga may psoriasis na kaagad magpakonsulta sa mga eksperto at tulungan at yakain kung sinuman ang mga may kakilala, kaibigan o mga kapamilyang nakakaranas ng nasabing sakit.
Ang nasabing FB post ni Paolo ay nagkaroon ng halos 1,000 shares.
By Judith Larino
Photo: paolobediones / Instagram
Pagbubunyag ni Paolo Bediones sa sakit nito sa balat ikinagulat ng mga followers was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882