Monthly Archives
July 2025
Nabunyag na dalawang (2) US war planes ang lumipad sa ibabaw ng mga karagatan sa timog at silangang China.
Ginawa ng Estados Unidos ang joint military operation kasama ang Japanese fighter jets sa harap ng umiinit na tensiyon sa pagitan ng North Korea at China.
Ayon kay Major Ryan Simpson, hepe ng US Pacific Air Forces, ang ikinasang misyon ay isang malinaw na demonstrasyon na may kakayahan silang magsagawa ng operasyon kasama ang kanilang mga kaalyado.
Sinasabing senyales ito na umaasim na ang relasyon ng US at China kahit nagkaroon na ng meeting sina President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping noong Abril.
Samantala, nilinaw naman ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang na suportado nila ang ‘freedom of navigation’ at ‘overflight’ ng ibang bansa kung ito’y naaayon sa pandaigdigang batas.
By Jelbert Perdez
US warplanes nagsagawa ng misyon sa karagatang bahagi ng China was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Sinibak sa pwesto ang labing siyam (19) na hepe ng pulisya sa Western Visayas dahil sa hindi magandang trabahong ipinakita ng mga ito sa kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga.
Ito ang kinumpirma sa DWIZ ni PNP o Philippine National Police Region 6 Director Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag.
Aniya, siyam (9) sa sinibak na chiefs of police ay mula sa Iloilo, anim (6) ang mula sa Capiz, tatlo (3) mula sa Aklan habang isa ang galing sa Antique.
Inaprubahan ni Binag ang pagsibak sa mga nasabing opisyal ng PNP base na rin sa rekomendasyon ng PNP Regional Oversight Committee na siyang sumusuri sa trabaho ng mga pulis sa kampanya laban sa droga.
Nakatakdang ipatupad ang relief order ng kani-kanilang provinical director sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal sa lugar na kanilang nasasakupan.
By Jonathan Andal (Patrol 31)
19 hepe ng pulisya sa Western Visayas sinibak sa puwesto was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Walang iniulat na “confusion” o kalituhan sa implementasyon ng ADDA o Anti-Distracted Driving Act.
Ayon kay Land Transportation Office o LTO Chief Edgar Galvante, taliwas ito sa nangyari noong Mayo na naging dahilan upang suspendihin ang pagpapatupad nito.
Paliwanag ni Galvante, matapos i-review ang IRR o Implementing Rules and Regulations, mas malinaw na ito ngayon sa panig ng mga motorista at law enforcers.
Pangunahing ipinagbabawal sa ilalim ng ADDA ang paggamit ng anumang uri ng mobile communications o electronic entertainment device habang lulan ng sasakyan o kahit pa pula ang traffic light o kaya’y nasa intersection ang motorista.
Papatawan ng limang libong piso (P5,000) ang mahuhuling motorista para sa unang paglabag, sampung libong piso (P10,000) sa ikalawa at labing-limang libong piso (P15,000) sa ikatlong paglabag na may kaakibat na tatlong buwang suspensyon ng driver’s license.
Sakaling umabot na sa ika-apat na paglabag, maaaring makansela ang lisensya ng driver at papatawan ito ng P20,000 pesos na multa.
By Jelbert Perdez
Implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act naging malinaw was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Laglag na sa Wimbledon Open ang Japanese tennis star na si Kei Nishikori.
Ito ay makaraang idispatsa si Nishikori sa third round ng torneo ni 18th seed na si Roberto Bautista Agut ng Spain sa iskor na 6-4, 7-6, 3-6 at 6-3.
Aminado ang Japanese tennis star na naging maganda ang laro at lagay ng bola ng kanyang kalabang si Agut na dahilan ng kanyang pagkatalo.
Ito ang pinakamaagang exit ng 9th Seed na si Nishikori mula sa isang major tournament mula sa kanyang first round defeat laban kay Benoit Paire sa 2015 US Open.
By Ralph Obina
Kei Nishikori laglag na sa Wimbledon Open was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Natagpuang patay ang isa pang “person of interest” sa kaso ng pagpatay sa limang (5) miyembro ng isang pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan.
Kinilala mismo ng mga kaanak ang bangkay ni Anthony Garcia alyas “Tony” na natagpuan sa bulubunduking bahagi ng barangay Pacalag, San Miguel Bulacan.
Nakatali ng masking tape ang mga kamay at mukha ni alyas “Tony” habang tadtad naman ng tama ng baril ang katawan nito.
Nakita rin ang isang placard na may nakasulat na “rapist ako, huwag tularan.”
Si Garcia ay ang ikatlong person of interest sa masaker sa Bulacan na natagpuang patay.
Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Rolando Pacinos, alyas “Inggo,” noong Martes, kasunod nito ay binaril din ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng kanilang bahay si Rosevelth “Ponga” Sorima.
Samantala, nawawala rin ang huling person of interest na si Alvin Mabesa na sinasabing dinukot ng mga lalaking sakay ng isang van.
Report from: Aya Yupangco (Patrol 5)
3rd ‘person of interest’ sa Bulacan massacre natagpuang patay was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Nagbabalik na ang operasyon ng Ormoc airport ngayong araw matapos na pansamantalang isara dahil sa pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte.
Ayon sa Department of Transportation o DOTr, mabilis na naayos ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang natamong bitak sa runway ng nasabing paliparan.
Matapos ang isinagawang inspeksyon ay idineklara nang ligtas ang paliparan para sa mga paalis at padating na eroplano.
Wala naman naitalang pinsala sa Calbayog, Catarman at Tacloban airport.
Story from: Raoul Esperas (Patrol 45)
Photo Credit: DOTr
Ormoc airport balik-operasyon na was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Tuloy ang pangongolekta ng revolutionary tax ng komunistang rebelde.
Ito ay sa kabila ng kondisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na dapat itigil na ito ng New People’s Army o NPA kapalit ng muling paggulong ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga pinuno ng Partido Komunista.
Binigyang diin ni National Democratic Front Peace Consultant Emeterio Antalan na ang kondisyong ito ay pagpapakita lamang na hindi seryoso ang Pangulo sa pagsusulong ng kapayapaan.
Ayon kay Antalan, wala aniyang magagawa ang gobyerno upang pigilan ang gawaing ito na umiiral na nang mahabang panahon.
Si Antalan ay kabilang sa sampung (10) political prisoner na pinalaya noong Huwebes na nakulong ng sampung (10) taon dahil sa kasong murder.
By Ralph Obina
Koleksyon ng revolutionary tax ng NPA magpapatuloy was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Magsisimula na sa susunod na linggo ang promotional tour para sa kontrobersyal na bakbakan nina retired at undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. at UFC star Conor McGregor.
Ito ay kung saan inaantabayanan din ang unang paghaharap ng dalawa na gaganapin sa Staples Center sa Los Angeles.
Layon nito na i-promote ang kanilang laban na itinakda sa Agosto 26 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.
Samantala, matapos ang press tour sa Los Angeles sunod namang pupuntahan ng dalawa ang New York at London.
By Ralph Obina
Unang face off nina Mayweather at McGregor inaantabayanan na was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Patay sa isang miyembro ng Abu Sayyaf habang sugatan naman ang apat (4) na sundalo sa nangyaring sagupaan sa Basilan.
Ayon kay Task Force Basilan Commander Col. Juvymax Uy, naka-engkwentro ng militar ang mga miyembro ng Abu Sayyaf sa pangunguna ni Nawapi Abdulsaid alyas Khatan sa barangay Bohe Pahu sa bayan ng Ungkaya Pukan.
Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang mataas na uri ng armas, shabu at iba pang drug paraphernalia patunay na gumagamit ng droga ang mga bandido.
Sinasabing nag-ikot sa lugar ang mga sundalo batay sa natanggap na impormasyon na may prisensya ng Abu Sayyaf sa lugar.
Samantala, mga sugatang sundalo naman ay nai-airlift na patungong Zamboanga City para malapatan ng lunas.
By Ralph Obina
Abu Sayyaf member patay sa engkwentro sa Basilan was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882