Monthly Archives
July 2025
Dalawang drug suspect ang patay makaraang manlaban sa mga aarestong pulis sa isang buy-bust operation sa Malolos, Bulacan.
Natunugan ng dalawang suspek na kinilala lamang sa mga alyas na Kenneth at Sherwin na pulis ang kanilang ka-transaksyon sa Barangay Bulihan.
Ayon sa Malolos City Police, bumunot ng sumpak si Kenneth habang nagpaputok ng Caliber 39 revolver si Sherwin.
Gayunman, gumanti ng putok ang mga pulis dahilan naman ng agarang pagkamatay ng dalawang suspek.
Narekober naman sa encounter scene ang mga ginamit na armas nina alyas Kenneth at Sherwin maging ang ilang sachet ng shabu at marked money.
By: Drew Nacino
2 drug suspect patay sa drug buy bust sa Malolos Bulacan was last modified: July 9th, 2017 by DWIZ 882
Aabot sa mahigit apat na kilong shabu na nagkakahalaga ng labing isang milyong piso ang nakumpiska sa isang buy-bust operation sa isang condominium unit sa Quezon City.
Ayon kay NCRPO spokesperson chief inspector Kimberly Molitas, naaresto sa nasabing operasyon ang mga suspek na kinilalang sina Junmar Gopo, Darwin Lazarte at Eugene Ludovice.
Nakuha sa mga ito ang limang transparent bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang 4.6 kilo ang bigat.
Nakakulong na sa Northern Police District Headquarters sa Caloocan City ang tatlong suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa dangerous drugs act.
By Meann Tanbio
Mahigit 4 na kilong shabu nakumpiska sa Quezon City was last modified: July 9th, 2017 by DWIZ 882
Hindi magdedeklara ng state of calamity ang lokal na pamahalan ng Ormoc kasunod ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Leyte noong Huwebes
Sa panayam ng DWIZ ipinaliwanag ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na hindi naman matindi ang tinamong pinsala ng kanilang lungsod bukod sa malawakang pagkawala ng suplay ng kuryente
Sa ngayon, mas kailangan anya ng mga taga Ormoc ang mga shelter kit, pagkain at tubig
Ayon pa kay Gomez, bukas sila magdedesisyon kung bubuksan na muli ang klase sa Lunes
By: Jonathan Andal
Lungsod ng Ormoc hindi magdedeklara ng state of calamity was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Umaasa si Energy Secretary Alfonso Cusi na bubuti na ang pagsusuplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Visayas sa susunod na tatlo hanggang pitong araw
Itoy kasunod ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Leyte noong Huwebes at nagdulot ng black out sa ilang probinsya sa kabisayaan
Kanina, personal na nagsagawa ng aerial at ground inspection si Secretary Cusi sa ibat ibang power plant, pati na ang mga geothermal facilities na nagtamo ng pinsala dahil sa pagyanig
Dito inilatag rin sa kalihim ng mga opisyal ng Energy Development Corporation ang kanilang mga aksyong ginawa at kasalukuyang sitwasyon ng mga linya at planta ng kuryente sa Visayas
By: Jonathan Andal
Energy Sec. umaasa na bubuti na ang suplay ng kuryente sa Visayas was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Gumagawa ngayon ng bypass line ang NGCP o National Grid Corporation of the Philippines para suplayan ng kuryente ang ilang bahagi ng Visayas na nakaranas ng black out matapos ang magnitude 6.5 na lindol sa Leyte
Ayon sa ahensya, pagdudugtungin ng bypass line ang Tabango Substation at Ormoc Substation para makadaloy ang kuryente mula Cebu patungong Ormoc na magbabalik ng suplay ng kuryente sa Bohol, Leyte, Southern Leyte, Biliran at Samar
Inaasahang tatagal ng dalawa hanggang tatlong araw ang pagkokonekta sa dalawang substations
By: Jonathan Andal
NGCP gumagawa ng bypass line para suplayan ng kuryente ang Visayas was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Nasa 500 indibidwal ang naaresto at nailigtas ng Taguig City Police sa kanilang isinagawang one time big time anti crime operations kagabi.
Ayon kay Southern Police District Spokesperson Supt. Jenny Tecson, kinabibilangan ang mga ito ng nasa 120 mga kabataan na kanilang nailigtas na agad na ring nai-turn over sa DSWD.
Dagdag ni Tecson nasa siyam na kabataan din ang naaresto dahil sa iligal na droga, pagsusugal at illegal possession of firearms.
Samantala, 34 ang hinuli dahil sa paglabag sa half naked ordinance at mahigit 100 dahil sa pag-iinuman sa tabi ng kalsada.
Ang nasabing operasyon ay bahagi ng Oplan Lambat Sibat ng Philippine National Police.
By: Krista De Dios
One time big time operation isinagawa ng Taguig City Police was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Nagpaalala ang Embahada ng Pilipinas sa Russia na huwag tanggapin ang alok na trabaho bilang kasambahay sa nasabing bansa.
Ito’y ayon kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, ay dahil wala pang visa category para sa household worker doon.
Babala pa ni Carlos, maaaring makasuhan ng illegal recruitment ang mga Pilipinong nasa Russia na nagiimbita o nag-aalok sa mga kapwa Pinoy ng trabaho bilang kasambahay.
Paliwanag pa ni Carlos, naghigpit rin ang Russian Government sa pagdakip ng mga nagta-trabahong walang tamang dokumento.
Aniya, batay sa kanilang tala ay nasa 20 mga undocumented Pinoys sa Russia ang kanilang natulungang makabalik ng Pilipinas sa buwan ng Hunyo.
By: Krista De Dios
PH embassy sa Russia nagpa alala sa mga Pinoy na nais magtrabaho doon was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Tinatayang nasa isa hanggang dalawang linggo pa ayon sa Department of Energy, bago tuluyang maibalik ang serbisyo ng kuryente sa ilang lugar na naapektuhan ng 6.5 magnitude na lindol sa Leyte.
Paliwanag ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines, isasailalim pa sa damage assessment ang planta sa Leyte kaya kailang ito i-shut down.
Natigil rin ang operasyon ng Unified Leyte Geothermal Power na pinatatakbo ng Energy Development Corporation na pinagkukunan ng 600 megawatts na kuryente sa lalawigan.
Nagkaproblema rin ang dalawang planta na pinapatakbo naman ng Green Core Geothermal Inc.
Sa kasalukuyan ay wala pa ring suplay ng kuryente sa Bohol, Samar, Biliran at iba pang bahagi ng Leyte.
By: Krista De Dios
Ilang lugar sa Eastern Visayas wala pa ring kuryente was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882
Higit tatlong daan at limamput tatlong libong (353,000) indibidwal na ang mga naitatatalang nagsilikas dahil sa bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay AFP Joint Task Force Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera, labing walong libo (18,000) sa mga ito ang nananatili sa pitumpu’t walong (78) evacuation centers sa mga probinsya ng Lanao del Sur, Lanao del Norte at Misamis Occidental.
Higit tatlong daang libong (300,000) indibidwal naman ang nakituloy sa mga bahay ng kanilang mga kakilala o di kaya’y sa iba pang evacuation centers sa pitong (7) rehiyon sa Mindanao.
Samantala, sinabi rin ni Herrera na naghahanda na ngayon ang engineering units ng AFP o Armed Forces of the Philippines para sa reconstruction, rebuilding at rehabilitation sa Marawi City.
By Jonathan Andal (Patrol 31)
Mga lumikas sa Marawi umabot na sa mahigit 353,000 katao was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882