Monthly Archives
July 2025
Pina iimbestigahan na ng NFA o National Food Authority ang umanoy pananakit ng tiyak ng mga evacuee sa Iligan City dahil sa pagkain ng sirang NFA rice.
Bumuo na rin ng special team si NFA Administrator Jason Laureano Aquino para tumulak sa Lanao del Norte at alamin ang katotohanan sa nasabing report.
Sinabi ni Aquino na nais nilang malaman kung NFA rice mismo ang pangunahing dahilan kayat nagkasakit ang mga biktima o may iba pang nakain ang mga ito.
Kasabay nito tiniyak ni Aquino na may sapat na supply ng bigas sa mga lugar na apektado ng kaguluhan sa Marawi City.
By: Judith Larino
NFA pinaiimbestigahan ang di umanoy sirang NFA Rice sa mga evacuee sa Iligan was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Tutol ang AFP sa plano ng pamahalaang lokal ng Paniqui sa Tarlac na magpatupad ng ID System sa mga Muslim sa naturang lugar.
Sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na discriminatory ang nasabing hakbang dahil iisang sektor lamang ng lipunan ang o obligahing mag ID system.
Binigyang diin ni Padilla na dapat maging balanse at lahat ay isali sa ID system lalo nat hindi naman lahat ng kapatid na Muslim ay bahagi ng rebelyon.
Sa halip na ID system para sa mga Muslim ipinabatid ni Padilla ang matagal na nilang isinusulong na National ID System para sa buong sambayanan at ito ang pinaka mainam sa lahat.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
AFP tutol sa planong ID system para lamang sa mga muslim sa Paniqui Tarlac was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Kinatigan ng Korte Suprema ang kahilingan ng Office of the Government Corporate Counsel Rudolf Philip Jurado.
Kaugnay ito sa pagpigil sa NGCP na mai take over ang halos 61,000 metriko kuwadradong lupain ng SSS o Social Security System sa PEA Amari Estate sa Pasay City na uubrang pagtayuan ng 230 kilovolt Sub Station ng NGCP.
Nag isyu ng status quo ante order ang third division ng high tribunal kontra sa Writ of Possession na una nang ibinigay sa NGCP ni Pasay RTC Judge Gina Bibat-Palamos nuong March 2.
Inutusan din ng Korte Suprema ang NGCP at si Palamos na mag komento sa loob ng 10 araw kaugnay sa naging petisyon ng SSS.
By: Judith Larino / Bert Mozo
Kahilingan ng OGCC kinatigan ng Korte Suprema was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Hindi pagbawi ng Pangulong Duterte sa ML sa Mindanao suportado ng ilang opisyal ng DOJ
written by DWIZ 882
Suportado ng ilang matataas na opisyal ng DOJ ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na tanging AFP at PNP lamang ang kaniyang pakikinggan kung dapat nang bawiin ang idineklarang batas militar sa Mindanao.
Ayon sa mga opisyal ng DOJ na tumangging magpakilala tama lamang huwag magpadala sa anumang mga panawagan ng Pangulo na bawiin na ang idineklara nitong Martial Law hanggang walang go signal mula sa AFP at PNP na nagsasabing wala nang bantang rebelyon sa Mindanao.
Una nang inihayag ng Pangulo na hanggat wala pang pahayag mula sa militar at pulis na ligtas na sa anumang gulo na gawa ng mga terorista ang Mindanao ay hindi nito babawiin ang idineklarang Martial Law sa buong Mindanao.
By: Judith Larino / Bert Mozo
Hindi pagbawi ng Pangulong Duterte sa ML sa Mindanao suportado ng ilang opisyal ng DOJ was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Papayagang muling makalapit sa tabi ng Batasan Pambansa ang mga militante sa ikalawang SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.
Ipinabatid ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde na hahayaan nilang maka abante ang mga raliyista hanggang Batasan Elementary School.
Sinabi ni Albayalde na nagsimula nang makipag diyalogo ang QCPD sa mga militante para maging mapayapa ang gagawing protesta sa ikalawang SONA ng Pangulo.
Kasabay nito binalaan ni Albayalde ang mga police commander laban sa pang aabuso sa kapangyarihan o pananakit sa mga raliyista.
Muling iginiit ni Albayalde na paiiralin nila ang maximum tolerance sa araw ng SONA kung kailan ikakalat ang 6000 pulis.
By: Judith Larino / Jonathan Andal
Mga rallyista papayagang ugali makalapit sa ikalawang SONA ni Pres. Duterte was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Nakatakdang pumasok sa isang kasunduan ang mga kaanak ng Tatlo sa 37 biktima nang pag atake sa Resorts World Manila sa Management ng nasabing casino hotel.
Ipinabatid ni PAO Chief Atty Percida Rueda-Acosta na magaganap sa July 20 ang pirmahan ng kasunduan sa pagitan ng Resorts World Manaila at mga kaanak nina Shyreen Ivy Munioz, Pacita Conquilla at Merylle Guen Kismundo.
Sa ilalim ng draft agreement ang pamilya ni Munioz ay tatanggap ng Isang Milyong Piso bukod pa sa education plan, health insurance plan at trabaho sa hinaharap na ibibigay sa anak na menor de edad nito.
Sinabi ni Acosta na hinihintay pa nila ang tugon ng Resorts World sa hiling nilang itaas sa Dalawa mula sa Isang Milyong Piso ang compensatory damages.
Mapapasakamay naman ng pamilya ni Conquilla ang 1.8 million Pesos at educational assistance para sa anak ng biktima samantalang 1. 9 Million Pesos naman ang ibibigay sa pamilya ni Kismundo bilang settlement.
Ang PAO ay tumatayong abogado ng pamilya ng Sampu sa mga biktima ng nasabing insidente.
By: Judith Larino
Ilang kaanak sa nangyaring RWM attack papasok sa kasunduan ayon sa PAO was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Kasado na bukas ang dagdag presyo sa ilang oil products.
Epektibo mamayang 12:01 ng hatinggabi ang pitumpung (70) sentimong dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, uno beinte sa bawat litro ng diesel at siyam napung (90) sentimo sa kerosene ng Flying V.
6:00 naman ng umaga epektibo ang kaparehong dagdag presyo sa mga nasabing produkto ng Shell Petroleum Corporation at Seaoil Philippines Incorporated.
Ayon sa DOE o Department of Energy, ang presyo ng diesel ay pumapalo na sa dalawamput pitong piso at tatlumpu’t limang sentimo (P27.35) hanggang tatlumpu’t isang piso at apat naput anim na sentimo (P31.46) kada litro at nasa tatlumput walong piso at siyam napu’t limang sentimo (P38.95) hanggang limampu’t isang piso at isang sentimo (P51.01) ang kada litro ng gasolina.
By Judith Estrada – Larino
Dagdag presyo sa ilang oil products kasado na bukas was last modified: July 10th, 2017 by DWIZ 882
Nagpositibo sa salmonella ang halos limandaang (500) kilo ng imported na karne mula sa Brazil.
Ayon sa Bureau of Animal Industry, kabilang ang mga kontaminadong karne sa isandaan at anim naput dalawang libong (162,000) kilo ng karne ng baka at halos tatlong daan at limampung libong (350,000) kilo ng mechanically de boned meat na binili sa Brazil noong Mayo 10 hanggang Hunyo 20.
Dahil dito, ipinabatid ng DA o Department of Agriculture na itinigil na nila ang pag iisyu ng permit sa walong kumpanya na nag i-import ng mga nasabing karne.
Noong Hunyo ay nagpatupad ng ban ang Amerika sa sariwang karne ng baka mula sa Brazil matapos itong bumagsak sa sanitary inspection.
Ang Brazil ay itinuturing na pinakamalaking beef exporter sa buong mundo.
By Judith Estrada – Larino
Halos 500 kilo ng karne galing Brazil nagpositibo sa salmonella was last modified: July 10th, 2017 by DWIZ 882
4 kataong hinihinalang may kaugnayan sa Maute na una nang hinarang sa NAIA nasa kustodiya na ng PNP
written by DWIZ 882
Pormal nang nai-turn over ng Bureau of Immigration (BI) sa PNP Aviation Security Group ang apat sa pitong mga pasahero na una nang pinigilan sa NAIA Terminal 3.
Ito ay matapos na madiskubre na ang pangalan ng mga ito ay may apelyidong Maute.
Ang mga naturang pasahero ay mayroon umanong alert order galing sa DND o Department of National Defense.
Maliban dito, mayroon ding mga arrest warrant na hawak ang Philippine National Police (PNP).
Ayon sa mga ulat, dinala na ang tatlong (3) Maute sa opisina ng CIDG-NCR sa Kampo Crame at ang isa (1)naman umano ay dinala sa tangapan ng NBI upang masusing imbestigahan.
Samantala, itinanggi naman ng apat na sila ay may kaugnayan sa naturang teroristang grupo.
Gayunman, lumalabas sa record ng PNP na ang mga ito ay may outstanding warrant at subject to persons of interests ng pamahalaan.
By Race Perez | Story from Raoul Esperas
4 kataong hinihinalang may kaugnayan sa Maute na una nang hinarang sa NAIA nasa kustodiya na ng PNP was last modified: July 10th, 2017 by DWIZ 882