Monthly Archives
July 2025
Inilabas na ng World Boxing Organization o WBO ang resulta ng isinagawa nilang review o rescoring sa kontrobersyal na bakbakang Manny Pacquiao at Jeff Horn.
Ito’y kung saan tatlo sa limang independent judges ang pumabor sa Australian boxer dahilan upang pagtibayin ang pagkapanalo ni Horn sa naturang sagupaan.
Ayon sa WBO, nakuha ni Pacquiao ang 3rd, 8th at 9th round ng isandaang porsyento, 80 percent namang naipanalo ni Pacquiao ang 5th round habang 60 percent sa 11th round.
Habang si Horn naman ay isandaang porsyentong nakuha ang 1st , 6th at 12th round, walumpung porsyentong nangibabaw si Horn sa 2nd, 4th at 7th round habang animnapung porsyento ang napasakamay ni Horn sa 10th round.
Dahil dito, malinaw anila na si Horn ang nanalo dahil limang rounds ang nakuha ng Pambansang Kamao habang ang Australian boxer ay nanalo sa pitong rounds.
Ikinatuwa naman ni Horn ang resulta ng review at sinabi nitong handa siya para sa rematch kay Pacquiao.
Matatandaang ang Games and Amusement Board ang humiling sa WBO para sa naturang review ng laban nina Pacquiao at Horn.
By Ralph Obina
Pagkapanalo ni Horn kontra Pacquiao pinagtibay ng WBO was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Pinigil na makalabas ng bansa ang apat (4) na hindi pinangalanang Maranao na patungo sanang Pakistan kahapon.
Halos kasabay ito ng mga pinigil namang pitong (7) pasaherong may apelyidong Maute.
Batay sa ulat, unang nagpanggap ang apat bilang mga turistang patungong Kuala Lumpur Malaysia, pero nang sumailalim sa secondary inspection ng Bureau of Immigration ay nadiskubre ang hawak nilang Pakistani visa.
Wala ring naipakitang round trip ticket patungong Pakistan at pabalik ng Pilipinas ang mga nasabing Maranao.
Dahil dito, nagdesisyon ang Bureau of Immigration o BI na huwag paalisin ang apat (4) na nasabing mga Maranao.
Gayunman, sinabi ni Immigration Port Operations Division Chief Red Mariñas, oras na makapagpakita ng patunay ang mga nasabing Maranao na magtutungo sila ng Pakistan bilang turista ay papayagan na rin silang makaalis.
By Krista de Dios
Story and Photo from: Raoul Esperas (Patrol 45)
4 na Maranao pinigilang makalabas ng bansa was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Hinikayat ni Leyte Representative Yedda Marie Romualdez si Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang panukalang batas na naglalayong magtayo ng isang departamento sa pamahalaan na tututok sa pagtugon sa kalamidad at disaster.
Ayon kay Romualdez, Vice Chairperson ng House Committee on Government Enterprises and Privatization, ito ay mabawasan o kung hindi man tuluyang mabura ang red tape pagdating sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima trahedya at kalamidad.
Nagiging mabagal aniya ang ayuda sa mga biktima ng bagyo, lindol at iba pa dahil sa napakahabang proseso mula sa national government pababa sa lokal na pamahalaan.
Layon ng House Bill 344 na magtayo ng Department of Disaster Preparedness and Emergency Management na pangungunahan ng kalihim ng Department of National Defense o DND.
Tinukoy pa ni Romualdez na kulang ang ginagawang pagkilos ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pagbibigay ng ayuda at pagtugon tuwing may kalamidad.
By Rianne Briones
Panukalang department of disaster pinasesertipikahang urgent sa Pangulo was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Balik na sa normal ang operasyon ng Marawi City Hall.
Bahagi ito ng paghahanda ng pamahalaan para sa muling pagbangon ng syudad, limang buwan matapos itong tangkaing kubkubin ng ISIS-Maute group.
Kabilang sa magsisimula ang operasyon sa city hall ay ang Marawi City Council, engineering department, treasurer office at social workers department ng siyudad.
Gayunman, pinaalalahan ng pamahalaang lokal ng Marawi ang kanilang mga kababayan na nananatiling mapanganib sa syudad bagamat unti-unti nang nasusukol ng militar ang mga terorista.
By Meann Tanbio
Operasyon ng Marawi City Hall balik na sa normal was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Nauwi sa sagupaan ang pagsalakay ng militar sa pinaniniwalaang kuta ng mga rebeldeng NPA o New People’s Army sa bayan ng Tinoc, lalawigan ng Ifugao.
Nangyari ang pag-atake ng 503rd Brigade ng Philippine Army madaling araw kahapon kung saan sinalubong sila ng may tatlumpung (30) rebelde.
Napag-alamang kabilang sa Nona del Rosario Command ng NPA ang mga nakasagupa ng militar sa lugar nang isagawa ang pagsalakay.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa panig ng militar ngunit hindi pa batid kung mayroong naitalang casualties sa panig naman ng mga rebelde.
By Jaymark Dagala
Pagsalakay ng militar sa hinihinalang kuta ng NPA nauwi sa bakbakan was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Tumamlay ang halaga ng piso kontra dolyar kahapon sa pagsisimula ng trading para sa linggong ito.
Nagsara ang palitan sa 50.69 pesos kontra dolyar na mas mataas kumpara sa 50.59 pesos na palitan kontra dolyar noong Biyernes.
Dahil dito, inaasahang maglalaro sa 50.50 pesos hanggang 50.70 pesos ang magiging palitan ng piso kontra dolyar sa mga susunod na araw.
Sinasabing lumakas ang dolyar bunsod ng pagtaas ng pinahabang working hours ng mga nagtatrabaho sa Amerika noong Hunyo bunsod ng daylight savings time.
By Jaymark Dagala
Piso posibleng pumalo sa P50.70 kontra dolyar was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Maayos na ang kalagayan ng aktres na si Jolina Magdangal matapos na masangkot sa aksidente ang kanyang sasakyan.
Sa post ng mister ni Jolina na si Mark Escueta, sinabi nitong agad din naman silang nakalabas sa St. Luke’s Medical Center kung saan niya itinakbo ang kanyang mag-ina.
Nagkaroon ng malaking bukol sa ulo si Jolina kaya agad itong isinailalim sa CT scan at x- ray kung saan naging maayos naman ang resulta.
Kinumpirma naman Mark na ligtas ang kanilang tatlong gulang na anak na si Pele dahil secured ang car seat nito habang wala naman umanong naging sugat o anumang pinsala si Mark.
Kaugnay nito, nagpasalamat si Mark sa mga nagdasal at nangumusta sa kanyang pamilya matapos ang insidente.
By Rianne Briones
Photo: markescueta / Instagram
Jolina Magdangal nasa maayos nang kalagayan was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Umakyat na sa 32 mga bakwit mula sa Marawi City ang nasawi kung saan halos dalawang buwan mula nang sumiklab ang bakbakan doon.
Ayon sa Integrated Provincial Health Office ng Marawi City, karaniwang nagiging sanhi ng pagkakasawi ng mga bakwit ay diarrhea, labis na dehydration, pneumonia at stroke.
Bukod dito, aabot din sa 40,000 evacuees ang nagkakasakit dahil sa hindi magandang kundisyon nila sa mga evacuation center.
Mayroon ding siyam (9) na nagpositibo sa cholera habang nasa mga evacuation centers ngunit agad itong na-contain kaya’t hindi ito maituturing na outbreak.
By Jaymark Dagala
Bilang ng nasawing bakwit mula Marawi umabot na sa 32 was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Kinagat ng bagong WBO Welterweight Champion na si Jeff Horn ang hamong rematch ni fighting Senator at Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Ito’y makaraang talunin ni Horn si Pacquiao via unanimous decision sa kanilang laban noong Hulyo 2 sa tinaguriang Battle of Brisbane.
Sa panayam ng Australian Associated Press kay Horn, sinabi nito na mismong si Pacquiao na ang nagsabing masaya siya sa naging resulta ng laban.
Ngunit ngayong tila nagbabago na ang isip ng Pambansang Kamao, handa naman si Horn na pagbigyan si Pacquiao dahil sa paniniwalang may dahilan kaya ito mangyayari.
By Jaymark Dagala
Jeff Horn kinagat ang hamong rematch ni Pacman was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882