Monthly Archives
July 2025
Nakatakdang i-turn over ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process sa Pangulong Rodrigo Duterte sa July 17 ang draft na pamalit sa naunsyaming Bangsamoro Basic Law.
Ipinabatid ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na natapos na ng Bangsamoro Transition Commission ang draft para maipatupad ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro para sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Tumanggi naman si Dureza na magbigay ng detalye sa nilalaman ng nasabing draft bill hanggat hindi pa ito nakakarating sa Pangulong Duterte.
Ang draft bill ay it- turn over naman ng Malakaniyang sa Kongreso para ma ratify bilang batas.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Draft na pamalit na naunsyaming BBL nakatakdang i-turn over ng OPAPP sa Pangulo was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Nilinaw ng Malakaniyang na hindi nito binabalewala ang pagpapatawag ng LEDAC o Legislative Executive Development Advisory Council Meeting.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella mayruong mga nagaganap na hindi nila inaasahan tulad ng Marawi Crisis kayat hindi nakakapagpatawag ng LEDAC meeting ang Palasyo.
Nakasaad sa batas ang pagsasagawa ng LEDAC meeting kada quarter ng taon.
Enero nang huling magpatawag ng LEDAC meeting ang Pangulong Rodrigo Duterte.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Pagpapatawag ng LEDAC meeting hindi umano binabalewala ng Palasyo was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Pumapalo na sa 54 ang mga bilanggo sa buong Region 4A na nasawi dahil sa sakit simula pa nuong Enero.
Tatlumput siyam (39) dito ay mula sa Cavite Pito mula sa Laguna, Lima sa Rizal at Tatlo naman sa Batangas.
Ngayong buwang ito naman ay dalawang bilanggo ang nasawi sa loob ng piitan sa Cavite at Rizal dahil sa sakit.
Sa Cavite nasawi si Leonardo Manuel na nakakulong sa Bacoor City Jail matapos itong dalhin sa Las Piñas District Hospital dahil sa hirap sa paghinga.
Ayon sa mga duktor na tumingin kay Manuel multiple organ failure, sepsis at tuberculosis ang sanhi nang pagkamatay nito.
Dead on arrival naman sa Antipolo Provincial Hospital si Angelito Alday na nawalan ng malay matapos mahirapan sa paghinga.
Sinabi ni Supt Chitdel Gaoiran, spokesman PNP Region 4A na ang masisikip at siksikang selda ang dahilan nang pagdami nang namamatay sa mga bilanggo.
Halos 1000 bilanggo sa buong CALABARZON Region ang may tuberculosis at skin diseases.
By: Judith Larino
Mga nasasawing preso sa buong Region 4A dumarami umano dahil sa sakit was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Pinag aaralan ng Department of Health o DOH ang mga paraan kung paano makapagbibigay ng medical service ang gobyerno sa Ormoc City sa pamamgitan ng mga pribadong ospital sa nasabing lungsod.
Ito ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag ay dahil karamihan sa mga ospital sa Ormoc ay pribado at tanging ang government hospital lamang ay ang Ormoc District Hospital.
Bukod sa District Hospital ang pinakamalapit na government hospital sa Ormoc ay Eastern Visayas Regional Medical center sa Tacloban.
Sinabi ni Tayag na nais nilang maasikaso ang lahat ng mga pasyente at magtuluy tuloy ang serbisyo kahit pa nasa pribadong ospital sila.
By: Judith Larino
DOH pinag aaralan kung paano makapagbibgay ng ibayong medical services sa Ormoc was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
UST Salinggawi Dance Troupe wagi sa World Cultural Dance Festival sa South Korea
written by DWIZ 882
Nakasungkit ng tansong medalya ang UST Salinggawi Dance Troupe sa katatapos na International Youth Fellowship World Cultural Dance Festival na ginanap sa South Korea.
Ipinanalo ng grupo ang sayaw nilang mula sa konsepto ng Flores de Mayo.
Ito ang unang beses na sumali ang UST Salinggawi sa world cultural dance festival na dinaluhan ng siyam na iba pang teams mula sa Africa, China, India, Korea, Thailand at Ukraine.
Ayon kay UST Salinggawi Vice President Daryll Romero, mayroon lamang silang isang buwan para paghandaan ang naturang kompetisyon na napanalohan ng team USA at Finland.
Ralph Obina
UST Salinggawi Dance Troupe wagi sa World Cultural Dance Festival sa South Korea was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Leyte, Samar at Bohol posibleng maibalik na bukas
written by DWIZ 882
Posibleng maibalik na bukas ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Leyte, Samar at Bohol.
Ayon kay Energy Spokesman Wimpy Fuentebella, ito ay dahil sa tatlong geothermal powerplant sa Visayas.
Isinasailalim pa aniya ang mga ito sa pagsusuri upang matiyak ang kapasidad ng mga plantang ito na magbato ng kuryente.
Ngayong araw din naka-iskedyul ang start up sa mga plantang ito ng Energy Development Corporation na aabutin ng labing anim hanggang labing walong oras.
Pagkatapos nito ay balik na ang kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng lindol na mas maaga kumpara sa target ng DOE na sampung araw.
Ralph Obina
Suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Leyte, Samar at Bohol posibleng maibalik na bukas was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Patay ang labing anim katao makaraang bumagsak ang US military plane sa Mississippi.
Nangyari ang trahedya sa Lifelore County na may isandaan at animnapung (160) kilometro hilaga ng Jackson.
Sangkot sa aksidente ang US marines KC Hercules Transport.
Hindi pa mabatid sa ngayon ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano ngunit iniimbestigahan na ng mga otoridad ang naturang pangyayari.
Ralph Obina
16 katao patay makaraang bumagsak ang isang US military plane was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
DOLE patuloy ang ginagawang trabaho para maibigay ang mga ipinangako ng administrasyon
written by DWIZ 882
Tiniyak ni Labor Undersecretary Joel Maglunsod na hindi maba-blangko ang DOLE o Department of Labor and Employment sa nakatakdang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Ayon kay Maglunsod, aabot na sa mahigit animnapung libong (60,000) mga manggagawa ang kanilang napa-regular sa trabaho.
Maipagmamalaki rin aniya ng kagawaran ang mahigit isang libong labor case na kanilang naresolba, mga naibigay na ayuda at ang pag-asiste sa repatriation ng libu-libong mga OFW o Overseas Filipino Worker.
Gayunman, aminado si Maglunsod na magiging mahaba pa ang proseso sa mga ninanais ng ilang labor groups katulad ng endo at minimum wage increase.
Pagtitiyak naman ni Maglunsod, patuloy ang ginagawang trabaho ng DOLE para maibigay ang lahat ng mga ipinangako ng administrasyon sa mga manggagawa.
Krista De Dios | Story from Aya Yupangco
DOLE patuloy ang ginagawang trabaho para maibigay ang mga ipinangako ng administrasyon was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Panukalang ideklara ang Marso 31 bilang special non-working holiday sa S. Leyte lusot na sa Kamara
written by DWIZ 882
Lusot na sa Kamara ang House Bill 5060 o ang panukalang ideklara ang Marso 31 bilang special non-working holiday sa Southern Leyte.
Batay sa nasabing panukalang batas, idedeklara bilang First Mass Day ang Marso 31 bilang paggunita sa kauna-unahang misa sa bansa na isinagawa sa Limasawa Island.
Ayon sa principal author ng House Bill 5060 na si Southern Representative Roger Mercado, ang palusot ng nasabing panukala ay pagpapakita ng pagkilala sa kalahagahan ng nasabing araw para sa mga mananampalatayang Katoliko.
Ayon sa kasaysayan, isinagawa ang kauna-unahang catholic mass sa bansa noong Marso 21, 1521 na pinangunahan ni Father Pedro De Valderrama sa Limasawa Island, Southern Leyte.
Krista De Dios | Story from Jill Resontoc
Panukalang ideklara ang Marso 31 bilang special non-working holiday sa S. Leyte lusot na sa Kamara was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882