Monthly Archives
July 2025
Pinagmumulta ng LTFRB ng tig 5 Million Pesos ang on Line Based Transport Companies na GRAB at UBER.
Kasunod ito nang pagdinig ng LTFRB sa accreditation ng dalawang kumpanya sa harap na rin ng maraming reklamo laban dito.
Ayon kay LTFRB Chair Martin Delgra bukod sa multa pinatitiyak din nila sa GRAB at UBER na ma a aksyunan ang mga sumbong ng mga pasahero.
Ilan sa mga reklamo ay kaugnay sa pasaway na driver at kakulangan ng agarang tugon kapag may mga ipinapa abot na sumbong.
Marami rin sa mga unit ay colorum subalit pinapayagan ng mga kumpanya.
Tiniyak ng GRAB at UBER na hindi nila ipapasa sa mga pasahero ang Limang Milyong Pisong multang ipinataw.
By: Judith Larino
UBER at GRAB pinamumulta ng tag 5M. Pesos ng LTFRB was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Rehabilitasyon sa Marawi at sa mga residente posible umanong abutin ng ilang taon
written by DWIZ 882
Posibleng abutin ng ilang taon ang rehabilitasyon sa Marawi City at mga residente nito na apektado nang patuloy na bakbakan ng mga otoridad at Maute Group.
Sinabi ni Health Assistant Secretary Eric tayag na kailangan ng mahaba habang panahon gamutin ang physical at mental illness na dulot ng bakbakan sa Marawi City.
Ayon pa kay Tayag may mga indibidwal na silang inilipat sa ospital dahil sa higher level nang pag aalaga na kakailanganin ng mga ito dahil sa naapektuhan na ng gulo sa Marawi City ang pag iisip ng mga ito.
Magugunitang mahigit Apat na lingo nang nagpapatuloy ang bakbakan sa nasabing lungsod na siyang naging mitsa naman para ideklara ng Pangulong Duterte ang batas militar sa buong Mindanao.
By: Judith Larino
Rehabilitasyon sa Marawi at sa mga residente posible umanong abutin ng ilang taon was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Pinauwi na ng mga otoridad ang Apat na indibidwal na may apelyidong Maute at una nang hinarang sa NAIA nuong Lunes.
Sinabi ni Senior Supt Wilson Asueta ng CIDG NCR na matapos ang isinagawa nilang verification wala silang nakitang derogatory record o dahilan para i hold ang tatlong may apelyidong Maute na sina Alnizar Palawan Maute, Yasser Dumaraya Maute, Shary Palawan Maute at Abdulrahman Maute.
Sinabi ni Asueta na kapangalan lamang ni Abdulrahman ang ipina aresto ng gobyerno sa ilalim ng martial law.
Gayunman kahit pinauwi na hindi pa rin cleared ang mga nasabing tao dahil imo monitor pa rin sila ng gobyerno.
Ipinauubaya naman na ng CIDG sa Bureau of Immigration ang desisyon kung papayagang matuloy ang naunsyaming biyahe ng magkakaanak na Maute patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
By: Judith Larino / Jonathan Andal
4 na may apelyedong Maute na hinarang sa NAIA pinauwi na was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Susubukan ng Pangulong Rodrigo Duterte na makarating sa Marawi City bago matapos ang bakbakan ng militar at Maute Group sa lungsod.
Sa kaniyang talumpati sa Philippine Stock Exchange sa Makati City sinabi ng Pangulo na nais niyang magpakita sa mga sundalo sa loob ng linggong ito sa Marawi City para ipakita ang suporta sa mga ito.
Dalawang beses nang tinangka ng Pangulo na magtungo sa Marawi City subalit hindi nakalapag ang Presidential Chopper dahil sa masamang panahon.
Nangangamba rin ang mga opisyal ng militar sa kaligtasan ng Pangulo dahil posibleng matsambahan ito ng snipers.
Nagbiro pa ang Pangulo na okay lamang siyang matamaan ng snipers sa likod huwag lang sa harap.
Umaasa ang Pangulo na matapos ang bakbakan sa loob ng 15 araw dahil marami na ang napatay na terorista.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Pangulong Duterte susubukang makarating sa Marawi City was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Ayaw nang patulan ng Malakaniyang ang panibagong hakbang ni Senador Antonio Trillanes kung saan iginiit sa Ombudsman ang pagpapaigting ng imbestigasyon sa Pangulong Rodrigo Duterte.
May kinalaman ito sa biro ng Pangulo sa isang talumpati sa isang pagtitipon ng Philippine Chinese Charitable Association na ayaw niya ng korupsyon subalit hindi aniya ito nagmamalinis dahil mayruon din itong ninakaw nuong alkalde pa siya.
Ang naturang pahayag ng Pangulo ay tila nagpagigil pa kay Trillanes para pa imbestigahan ang Pangulo.
Gayunman sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na tila kinulang ng sense of humor si Trillanes dahil pinatulan ang pagbibiro ng Pangulo sa kagustuhang makaganti sa Pangulo.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Malacañang ayaw nang patulan umano ang mga pahayag ni Sen. Trilanes was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Hindi big deal sa gobyerno kung hindi man inimbitahan ng Germany ang Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa G20 Summit.
Sa kabila ito ng pagiging chairman ng Pilipinas ng Association of Southeast Asian Nations.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella prerogative ng G20 kung sino ang gusto nilang imbitahan sa summit dahil karamihan sa mga dumalo at nag lobby para imbitahin.
Hindi aniya gawain ng Pangulo na manghingi ng audience bukod sa mayruon itong sariling palakad ito sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
Ang G20 summit ay pulong ng 20 mayayamang bansa sa buong mundo na kinabibilangan ng Amerika, Russia, South Korea at Germany.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Hindi pag imbita kay Pangulong Duterte sa G20 summit hindi big deal – Palasyo was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Pinunan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang marami pang bakanteng puwesto sa gobyerno.
Kabilang sa mga itinalaga ng Pangulo sina dating MMDA Chairman Francis Tolentino bilang Presidential Political Adviser at Amable Aguiluz bilang Special Envoy of the President to the Gulf Cooperation Council.
Kasama sa listahan ng appointees sina Gelacio Bonggat Atexzel Hernandez na kapwa Director 1 ng NBI at Michelle Ortega bilang Assistant Secretary ng Department of Tourism.
Una nang itinalaga ng Pangulo si dating General Dionisio Santiago bilang hepe ng DDB o Dangerous Drugs Board.
Sinabi ng Palasyo na marami pang bakanteng puwesto sa gobyerno ang dapat mapunan subalit maingat sila sa pagsala at pag review sa kuwalipikasyon ng mga aplikante.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Ilang bakanteng posisyon sa gobyerno pinunan na ni Pangulong Duterte was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Prerogative ng Pangulong Rodrigo Duterte kung kailan nito pipirmahan ang mga enrolled bills para maging ganap na batas.
Sa gitna na rin ito ng report na may 25 bills na naipasa ng Kongreso ang lalagdaan na lamang ng Pangulong Duterte para maging batas.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella na dapat hintayin na lamang kung kailan pipirmahan ng Pangulo ang naipasang panukala ng Kongreso.
Gayunman sinabi ni Abella na sakali mang hindi mapirmahan at mag lapse na ang itinakdang panahon magiging otomatiko nang ganap itong batas maliban na lamang kung Ibi Veto ito o ibabalik ng Pangulo sa Kongreso.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Pagpirma sa mga nakapilang enrolled bills prerogative umano ng Pangulo was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Sisikapin ng mga negosyador ng gobyerno na ma-plantsa muna ang mga isyung dapat ayusin sa pamamagitan ng back channel talks bago muling bumalik sa formal Peace talks sa CPP NPA NDF.
Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na mayruong mga isyu at hamong kinakaharap ang OPAPP kaya sinisikap na maging maayos ang lahat bago muling ipagpatuloy ang nasuspinding 5th round ng Peacetalks sa kilusang komunista.
Susundin aniya nila ang direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na wala munang Peacetalks hanggat hindi tumitigil ang mga rebelde sa kanilang extortion activities at pag atake sa mga tropa ng pamahalaan.
Ayon kay Dureza inaayos pa ang back channel talks kayat hindi pa masabi kung saan at kung kailan ito gagawin.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Mga isyu para maibalik ang peace talks sa CPP-NPA-NDF sinisikap na maiayos was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882