Monthly Archives
July 2025
Tatapusin lamang ng PNP o Philippine National Police ngayong linggo ang ballistic examinations sa tatlong libong (3,000) baril na ibinigay ng libre ng China bago ito ipamahagi sa mga pulis sa Mindanao.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, prayoridad nilang mabigyan ang mga alagad ng batas sa ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao partikular sa Lanao del Sur kung saan may presensya ng Maute terror group.
Sinabi ni Dela Rosa na sa tatlong libong (3,000) rifles na binigay ng China, 2,900 rito ay mapupunta sa PNP habang 100 naman sa AFP o Armed Forces of the Philippines.
Matatandaang noong nakaraang buwan, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang tumanggap ng mga nasabing baril at bala galing China na isa aniyang senyales ng pagsisimula ng bagong ugnayan ng Tsina at Pilipinas.
By Meann Tanbio | ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31)
Halos 3000 baril mula China ipamamahagi na ng PNP was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Dumulog sa tanggapan ng NBI o National Bureau of Investigation ang panibagong biktima ng malaswang Facebook page.
Kwento ng 14-anyos na biktima, ginamit ng isang Facebook page ang kanyang mga litrato nang walang pahintulot.
Nalaman lang aniya niya nang kumalat na sa social media ang kanyang mga larawan na ginagamit sa kalaswaan.
Desidido aniya ang kanyang pamilya na panagutin ang administrator ng naturang FB page.
Pangatlo na ang naturang biktima sa mga lumutang at nagsumbong sa NBI.
By Meann Tanbio
Menor de edad na biktima ng isang FB porn page dumulog sa NBI was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Tatlong aftershocks ang naitala ng PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Ormoc City, Leyte simula kaninang madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang katimugang bahagi ng Ormoc kaninang alas-2:59 ng madaling araw.
Magnitude 3.0 naman ang naitala alas 3:48 ng madaling araw.
Nasundan naman ito ng isa pang pagyanig na magnitude 2.4, alas-6:02 ng umaga.
Pawang sa Ormoc City ang epicenter ng tatlong pagyanig.
By Meann Tanbio
Tatlo pang aftershocks naitala sa Ormoc Leyte was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
(Updated)
Isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez na panukalang batas ang mabilis na pagpapawalang bisa sa kasal.
Ayon kay Alvarez, sa pagbubukas ng 17th Congress ay ihahain niya ang proposed bill na dissolution of marriage para mapabilis at hindi mahirapan pa mga mag-asawang nagnanais nang maghiwalay.
Aniya, hindi tulad sa annulment na isang mapait na proseso sa dissolution of marriage ay kailangan lamang magkasundo ng magkabilang panig na nais na nilang maghiwalay pagkatapos nito ay maghahain ng jointly petition sa korte para gawing ligal ang pagpapawalang bisa sa kanilang kasal.
Tinutulan naman ito ni Buhay Partylist Rep Lito Atienza dahil masisira umano lamang nito ang kasagraduhan ng kasal.
Kaugnay nito, hinikayat ni Atienza si House Speaker Alvarez na maghinay-hinay at pag-isipan muna ang naturang panukala.
Kumpiyansa si Atienza na hindi ito makalulusot sa Kongreso dahil naniniwala siyang marami pa rin sa mga ito ang naniniwala sa kasagraduhan ng kasal.
Why choose ‘dissolution of marriage’?
Mas matipid ang dissolution of marriage na isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ito, ayon kay Atty. Glenn Subia ang benepisyo ng dissolution of marriage na isang uri ng pagpapawalang bisa ng kasal.
“Kung sa benepisyo mas matipid kasi sa ngayon para mapawalang bisa ang kasal dadaan ka ng husgado at medyo magastos yun lalo na kung ang basis mo ay declaration of nullity dadaan ka ng pag-hire ng services ng psychologist, medyo may kamahalan yun, kapag may ari-arian ang mag-asawa may added fee pa yun, estimated to be P25,000 for every million of property.” Ani Subia
Sa tingin ni Subia, posibleng i-pattern ang nasabing panukalang batas sa proseso ng diborsyo sa ibang bansa dahil hindi na kinakailangan pang dumaan sa husgado.
Kinakailangan lang aniyang pumunta sa civil registry at i-file ang affidavit.
“Baka ipa-pattern yan sa proseso ng diborsyo sa ibang bansa na affidavit of divorce lang, sa Japan at US affidavit lang diborsyo na kayo, at nakasaad doon kung paano niyo hahatiin ang mga ari-arian ninyo, hindi dadaan ng husgado yun, diretso yun, pupunta ka sa civil registry nun.” Pahayag ni Subia
By Rianne Briones | Meann Tanbio | Ratsada Balita (Interview)
Panukalang ‘dissolution of marriage’ isinusulong was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Donald Trump Jr. inabswelto ang ama sa pakikipagpulong noon sa mga abogado ng Russia
written by DWIZ 882
Inabswelto ni Donald Trump Jr. ang kanyang amang si US President Donald Trump sa isyu ng pakikipagkita sa mga abogado ng Russia.
Katwiran ng nakababatang Trump, walang alam ang kanyang ama nang magkipagpulong ito sa naturang mga abogado.
Ipinakita rin ni Trump Jr. ang kanyang mga e-mail na bukas siya para makita at maka-usap ang mga abogado na hawak umano ang impormasyon na ikasisira ng noo’y kalaban ni Trump sa pagkapangulo na si dating Senador Hillary Clinton.
Samantala, hindi na nagbigay pa ng anumang detalye si Trump Jr. ukol sa naturang pulong.
By Ralph Obina
Donald Trump Jr. inabswelto ang ama sa pakikipagpulong noon sa mga abogado ng Russia was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Napuno ng tensyon at kantiyawan ang unang press conference para sa laban nina Floyd Mayweather Jr. at UFC star Conor McGregor.
Napuno ang Staples Center sa Los Angeles kung saan hiyawan ang isinalubong ng mga fan sa pagpasok pa lamang ng dalawang fighter.
Nagbanta si McGregor na kanyang patutulugin sa loob ng apat na oras ang kalabang si Mayweather.
Pero ayon naman sa US undefeated boxer, tinuturing niya lamang si McGregor na gaya ng kanyang mga nakalaban noon na madali niyang napatumba.
Ang salpukang Mayweather at McGregor ay gaganapin sa Agosto 26.
By Ralph Obina
Unang press con ng Mayweather at McGregor fight napuno ng tensyon was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Nagpasalamat ang bagong talagang Presidential Adviser on Political Affairs na si dating MMDA o Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino.
Ayon kay Tolentino, masaya siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling makapagserbisyo sa gabinete.
Inamin nito na malaking hamon sa kanya ang naturang posisyon lalo’t buong bansa na ang sakop ng kanyang tungkulin.
Nangako si Tolentino na pagsisikapan niyang magawa ang mga kagustuhan ng Pangulo para sa kapakanan ng mga Pilipino.
By Ralph Obina
Bagong posisyon malaking hamon para kay Francis Tolentino was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Pinigil ng gobyerno ang pagbabayad ng 200 million pesos sa Busan Universal Rail Incorporated o BURI ang maintenance contractor ng Metro Rail Transit-3 na sinisisi sa madalas na pagpalya ng operasyon ng tren.
Ayon kay Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez, ang mga bayarin na hindi suportado ng mga dokumento ang itinengga habang nagsasagawa ang gobyerno ng pag-aaral sa pinasok na kontrata sa BURI.
Tikom naman si Chavez kung i-teterminate na ng pamahalaan ang kontrata pero inihayag ng opisyal na susundin ng kagawaran ang due process.
Maka-ilang beses ng binabatikos partikular ng ilang mambabatas at commuter group ang nabanggit na kumpanya dahil sa palpak umano nitong performance sa pagmamantina ng operasyon ng MRT na halos araw-araw ay nakararanas ng aberya.
By Drew Nacino
Pagbabayad ng P200-M sa MRT maintenance contractor pinigil was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Isinailalim na ng Amerika sa test ang kanilang terminal high altitude area defense o THAAD system sa gitna ng tensyon sa Korean Peninsula.
Ito ang tugon ng Estados Unidos sa pagpapakawala ng inter-continental ballistic missile ng North Korea noong Hulyo 4.
Ayon sa US Missile Defense Agency, nagtagumpay ang THAAD system sa pagpapabagsak ng isang paparating na intermediate-range ballistic missile.
Indikasyon ito na kaya ring pabagsakin ng THAAD ang mga paparating na missile mula NoKor.
Magugunitang idineploy ng US ang THAAD sa Guam at South Korea upang magbigay seguridad laban sa bantang digmaan ng North Korea.
By Drew Nacino
Inter-continental ballistic missile ng North Korea tatapatan ng US was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882