COPY: VP Binay filed second libel case vs ex-Makati Mayor Mercado
Source: Allan Francisco (DWIZ Patrol)
Nasa bansa na ang grupong Michael Learns To Rock, para sa kanilang one – night concert.
Dumating ang grupo, ala-8:10, kagabi sakay ng Air New Guinea flight PX-010.
Ang Danish pop / soft rock band ay nabuo noong 1988 at kanilang concert ay gagawin sa Smart Araneta Coliseum.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)
Wala nang gana pang makipag-rematch si 8-Division World Champion Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Junior na nagretiro na matapos manalo via unanimous decision kay Andre Berto.
Ayon kay Pacquiao, wala nang saysay pa ang itulak ang laban kontra kay Mayweather.
Maliban dito, sinabi ni Pacquiao na wala sa kanyang focus ngayon ang boksing dahil sa nagpapagaling pa ito ng kanyang injury sa kanang balikat.
Ipinabatid ni Pacquiao na susunod pa siya magiging handa at maaaring lumaban sa kahit sinong boksingero.
By Ralph Obina
Patay ang 29 katao sa pag-atake ng Taliban sa isang air force base sa Peshawar, Pakistan.
Ayon sa ulat, inatake ng Taliban ang isang Masjid sa kalagitnaan ng pang-umagang pagdarasal ng mga Muslim kung saan 16 ang napa-ulat na nasawi.
Agad naming rumesponde ang security forces at nalagasan ng 13 tauhan ang mga militante.
Ang siyudad ng Peshawar ang kalimitang target ng Taliban sa kanilang mga pag-atake.
By Ralph Obina
Kasado na ang isasagawang political rally ng mga supporters ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Setyembre 26.
Ito ay para kumbinsihin si Duterte na ituloy ang pagtakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 elections.
Binigyang-diin ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding Chairman at President Dante Jimenez na walang sinumang pulitiko ang kayang tapatan ang nagawa ni Duterte sa nasasakupan nito.
Dahil dito, umapela si Jimenez sa mga tagasuporta ng alkalde na sumama sa rally bilang pagpapakita na rin ng kanilang puwersa.
By Meann Tanbio
Malamig ang Malacañang sa kahilingan ng PNP-Highway Patrol Group na dagdagan ang kanilang budget dahil nadagdagan din ang kanilang trabaho partikular ang pagmamando ng trapiko sa ng EDSA.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na wala sa hurisdiksiyon ng Palasyo ang hirit ng PNP-HPG dahil usaping budget ito.
Ayon kay Valte, kailangang kausapin nila si PNP Chief Director General Ricardo Marquez para matalakay ang hirit na dagdag budget.
Sa ngayon ay nasa ikalawang linggo na ang PNP-HPG sa pagmamando sa trapiko sa kahabaan ng EDSA at bukod sa nakababad sa init at usok ng mga sasakyan, nababasa rin ang mga ito sa malakas na ulan tuwing hapon.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)
Nakatutok ang Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) sa mga pulitikong sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Ayon kay AIDSOTF Task Force Commander Sr. Supt. Antonio Gardiola Jr., mahigpit ang pagbabantay nila ngayon sa ilang mga pulitiko na may koneksyon sa illegal drugs lalo’t papalapit na ang eleksyon.
Ito’y dahil sa kanilang rekord na ilang local officials diumano ang napatunayang sangkot sa operasyon ng droga.
Sa katunayan, ayon kay Supt. Roque Merdegia, Spokesman ng AIDSOTF, may pinaghahanap silang isang dating alkalde sa Masbate at Barangay Chairman sa Marawi City na sangkot sa illegal drugs.
Tumanggi naman ang PNP-AIDSOTF na kumpirmahin kung umabot na sa national level ang narco-politics sa bansa.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal
Labinlimang (15) pasahero ng Philippine Air Lines ang sugatan matapos makaranas ng mid-air turbulence.
Ang PAL flight PR-101 na may sakay na 132 pasahero ay umalis sa Honolulu, Hawaii Airport pasado alas-12:00 ng tanghali kahapon patungong Maynila at nasa bahagi na ng Japan nang makaranas ng turbulence.
Agad na dinala ng Manila International Airport Authority (MIAA) Medical Team sa clinic ng PAL ang mga nasugatang pasahero.
Ayon kay retired Major General Vicente Guerzon, Senior Assistant General Manager ng MIAA, puspusan ang kanilang koordinasyon sa PAL medical units na umaasiste sa mga pasaherong nagtamo ng laceration nang tumama ang kanilang ulo sa overhead bin ng eroplano.
Ito na ang ikalawang insidente kung saan nagkaroon ng mid-air turbulence sa nakalipas na dalawang linggo.
By Meann Tanbio
Inihayag ng militar na ang Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasa likod ng pagpapasabog sa isang bus sa Zamboanga City na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa.
Ayon kay Task Force Zamboanga Commander Col. Nixon Fortes, pangingikil ang motibo ng naturang pagpapasabog.
Base sa pahayag ng isa sa may-ari ng Biel Transport na si Pamela Rose, nakatanggap na sila ng extortion letter noong isang linggo kung saan kalahating milyong piso o P20,000 kada buwan ang hinihingi umano ng mga grupong nagpadala sa kanila ng sulat.
Ang Biel Transport ay isang family corporation.
Nangyari ang pagsabog alas 2:15 ng kahapon habang ang bus ay nakaparada sa Murga Compound, Calixto Street, Barangay Zone 1.
Patungo sana sa Labuan, Zamboanga ang nasabing bus nang biglang nagkaroon ng pagsabog bago pa makaalis sa terminal.
Ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco, agad rumesponde sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog ang mga tauhan ng PNP at ang City Disaster Risk Reduction and Management Office.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal
Nananatili sa kuta ng Abu Sayyaf Group sa Sulu, ang isang Malaysian terror suspect na si Amin Baco, alyas Abu Jihad matapos makaligtas mula sa “Oplan Exodus” sa Mamasapano noong Enero 2015.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng Philippine National Police (PNP), itinutuloy na ni Abu Jihad ang pagsasanay sa mga bagong recruit na miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Kabilang sa mga tinututukan ni Abu Jihad ay ang Urban Guerilla Warfare at Hand to Hand Combat.
By Katrina Valle