Sa #SiyasatExpress, ano ang mga dapat nating malaman tungkol sa breast cancer upang maagapan ito? #BreastCancerAwareness
Listen To Siyasat Express Part 1
Listen To Siyasat Express Part 2
Sa #SiyasatExpress, ano ang mga dapat nating malaman tungkol sa breast cancer upang maagapan ito? #BreastCancerAwareness
Listen To Siyasat Express Part 1
Listen To Siyasat Express Part 2
Nanawagan si Pope Francis sa bansang Amerika na pangunahan ang kampanya kontra climate change at iba pang-isyung pang pulitika sa US gaya ng Immigration at economic inequality.
Sa kanyang talumpati sa White House South Lawn, pinuri ng Santo Papa si US President Barack Obama sa pagsusumikap nitong mabawasan ang air pollution.
Tumagal naman ng 40-minuto ang private meeting ni Pope Francis at President Obama sa White House.
Ayon kay White House Spokesman Josh Earnest, hindi muna sila magbibigay ng detalye sa naging usapan ng dalawa.
Nag-meeting umano ang dalawa sa oval office matapos ang pagbibigay nila ng remarks sa White House Lawn.
By Mariboy Ysibido
Lumakas at bumagal ang bagyong Jenny, habang tinatahak ang karagatang sakop ng bansa.
Ayon kay Jun Galang, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyong Jenny sa layong 1, 280 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 85 kilometers per hour, malapit sa gitna, at pagbugso na umaabot sa 100 kilometers per hour.
Inaasahang kikilos ang bagyong Jenny, pa kanluran hilagang – kanluran, sa bilis na 7 kilometro kada oras.
Sinabi ni Galang na bagamat wala pang storm signal, pinaiigting naman nito ang hanging habagat na nakaka apekto sa Visayas at Mindanao.
Pinaalalahanan din ni Galang ang mga maglalayag gamit ang maliit na sasakyang pandagat na magiging mapanganib ang paglalayag sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.
By Katrina Valle | Ratsada Balita
Nabunyag na matagal nang alam ng militar at pulisya ang plano ng bandidong Abu Sayyaf ang mambihag ng mga dayuhan sa Samal Island.
Ito ang inihayag ni Professor Rommel Banlaoi, Chairman ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research.
Sinabi ni Banlaoi, Hunyo pa nang ipakalat sa piling indibiduwal kabilang na siya ang intell report hinggil sa planong ito ng grupo ng isang nagngangalang Sawadjaan, sub-commander ng ASG.
Dahil dito, binanatan ni Banlaoi ang AFP at Pnp dahil sa dapat nabantayan at napigilan nila ang planong ito.
Idinagdag pa ni Banlaoi na isang civilian kidnapping group ang nasa likod ng nangyaring pagdukot sa 3 dayuhan at isang Pilipina.
Inililipat aniya ito sa ASG upang mapataas ang ransom na hihingin sa pamilya ng mga bihag.
By Jaymark Dagala
Kusang sumuko sa Thailand ang magkapatid na dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes, suspects sa pagpatay kay environmentalist-broadcaster Dr. Gerry Ortega.
Nilinaw ito ni Atty. Demetrio Custodio, lead counsel ng magkapatid na reyes sa harap ng mga ulat na inaresto ang magkapatid sa Thailand.
“Let me clear that, because the information that was given to me ang lumabas diyan ay nag-surrender sila, hindi sila naaresto so I don’t know what will be the basis for that, their statement was they voluntarily surrendered.” Ani Custodio.
Ayon kay Custodio, agad syang maghahain ng petition for bail sa Puerto Princesa RTC pagdating sa bansa ng magkapatid na Reyes.
Iginiit ni Custodio na hindi dapat makulong ang kanyang mga kliyente dahil may nakabinbin pa silang petisyon na kumukuwestyon sa pagbuo ng Department of Justice ng ikalawang panel na nag imbestiga sa pagkamatay ni Ortega.
Matatandaan na inabsuwelto ng unang DOJ panel ang magkapatid na Reyes sa pagkamatay ni Ortega subalit binaliktad ito ng ikalawang panel.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Atty. Custodio
Pagdating sa bansa
Tumanggi naman ang abogado nina dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes na kumpirmahin ang pagdating sa bansa ng magkapatid ngayong araw na ito.
Ayon kay Atty. Demetrio Custodio, lead counsel ng mga Reyes, ayaw niyang makadagdag sa stress na nararamdaman ng kanyang mga kliyente ang posibleng pagdumog sa kanila paglapag pa lamang sa Pilipinas.
Sinabi ni Custodio na ang tanging nalalaman nya ay prinoproseso na ng Department of Foreign Affairs ang deportation proceedings para sa magkapatid na Reyes makaraang mabigyan sila ng clearance sa Phuket Thailand kung saan may kinakaharap silang kaso ng overstaying.
Wanted sa Pilipinas ang magkapatid na Reyes dahil sa kasong pagpapapatay di umano kay environmentalist/broadcaster Dr. Gerry Ortega.
By Len Aguirre | Ratsada Balita
Itinakda ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Disyembre 16 ang deadline para maipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Inihayag ito ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na siyang Chairman ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro makaraang isara na ang debate sa plenaryo hinggil panukalang pambansang budget sa susunod na taon.
Itinakda ang nasabing petsa makaraang makipagpulong si Pangulong Benigno Aquino III kay House Speaker Feliciano Belmonte sa Malacañang kamakailan.
Gayunman, hindi matiyak ni Rodriguez kung masusunod ang nasabing iskedyul dahil sa inaasahang kukuwestyunin ang BBL sa Korte Suprema.
By Jaymark Dagala
Nakabitin pa rin ang posibilidad na makuha ng administration party ang pagsang-ayon ni Congresswoman Leni Robredo para maging running mate ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa 2016 elections.
Kinumpirma ni Pangulong Noynoy Aquino na nagpulong sila ni Robredo Martes ng hapon kasama si Roxas, DSWD Secretary Dinky Soliman at 2 anak ng kongresista.
Ayon sa Pangulo, inilahad ni Robredo ang mga agam-agam nito na pumalaot sa mas mataas na posisyon sa gobyerno, bukod pa sa pagtutol ng mga anak nito.
Just like Cory
Inihalintulad naman ni Pangulong Noynoy Aquino si Congresswoman Leni Robredo sa inang si dating Pangulo Cory Aquino.
Kasunod ito ng kanilang naging pag-uusap na naglalayong himukin ang kongresista na maging running mate ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas.
Ayon kay Aquino, ang kalagayan ni Robredo ay tulad ng kanyang inang biglaang naging lider ng oposisyon at tumakbong Pangulo nang namatay ang kanyang amang si Senador Ninoy Aquino.
Bagama’t nagawang i-distansya sa pulitika ng yumaong si DILG Secretary Jesse Robredo ang kanyang asawang si Leni ay napilitan din itong pumasok sa pulitika kinalaunan.
By Meann Tanbio | Rianne Briones | Aileen Taliping (Patrol 23)
Aminado ang isa sa miyembro ng Palestinian national basketball team na hindi nila inasahan na mananalo sila kontra Gilas Pilipinas sa unang sigwada ng 2015 FIBA Asia Championship.
Ayon kay Sani Sakakini, sentro ng Palestinian team, na underdog sila sa laban lalo’t liyamado sa ranking ng FIBA World Cup ang Pilipinas subalit pagdating sa court ay naglaro sila para manalo sa score na 75-73.
Umabot anya ng dalawang linggo ang kanilang preparasyon para sa FIBA Asia Championship na ginaganap sa Changsa, China.
Naniniwala naman ang American coach ng Palestine na si Jerry Steele na isa sa mga rason kaya nanalo sila laban sa Gilas ay ang mga kinakaharap na hamon ng Palestinian team sa kanilang bansa na balot ng kaguluhan.
Bagaman 12 ang required player sa bawat team sa FIBA, 10 ang nasa roster ng Palestine subalit pito lamang ang naglaro laban sa Gilas.
By Drew Nacino
Posibleng nagtatago na sa kabundukan ng Davao Oriental ang armadong grupo na dumukot sa isang Filipina at 3 dayuhan mula Samal Island.
Ito’y base sa salaysay ng ilang testigo matapos marekober ang dalawang bangka na ginamit ng mga kidnapper.
Gayunman, nilinaw ni AFP Spokesman, Col. Restituto Padilla na kailangan pang beripikahin ang impormasyon.
“May mga bali-balita po na maaaring nagpalit sila sa kalagitnaan ng dagat, maaaring iba ang ginamit nilang sasakyan kaya itong anggulong ito ay chine-check nang mabuti, meron pong ibang nagre-report na may nakita sila pero vina-validate pa poi to, hindi ko pa po alam at ganap na nakuha ang impormasyon tungkol dito sa mga nagging witnesses na ito.” Pahayag ni Padilla.
Artist sketch ng suspek sa samal kidnapping inilabas na
Samantala, inilabas na ng Philippine National Police o PNP ang artist sketch ng isa sa mga suspek sa pagdukot at pangbibihag sa tatlong dayuhan at isang Pilipina sa Samal Island sa Davao del Norte.
Batay sa report, naglalaro sa 25 hanggang 30 anyos ang edad ng suspek, kayumanggi, katamtamang pangangatawan at may taas na 5’2 hanggang 5’3.
Ayon kay C/Supt. Frederico Dulay, pinuno ng PNP Special Investigation Task Group na nakatoka sa kaso, inilarawan ang suspek ng dalawang Japanese national na nakatakas mula sa mga kidnappers.
Gayunman, umaasa silang hindi pa nakalalayo ng Davao Gulf ang mga suspek makaraang matagpuan ng Philippine Navy ang pump boat na ginamit sa pangingidnap.
By Drew Nacino | Kasangga Mo Ang Langit
Pinag-iingat ng pamahalaan ng Canada ang mga mamamayan nito na nasa Pilipinas kasunod ng kidnapping incident sa Samal Island, Davao del Norte.
Sa inilabas na advisory ng Canada, pinayuhan nila ang kanilang mga kababayan na nasa bansa na iwasang bumiyahe at magtungo sa armm dahil sa seryosong banta ng pag-atake ng mga terorista at kidnapping.
Nag-abiso rin ito na iwasang magtungo sa Zamboanga peninsula at sa mga probinsya ng Sarangani, Lanao del Norte, Davao del Norte, Davao del Sur, pero hindi kabilang ang mismong Davao city.
Pinaiiwasan din sa mga Canadian nationals ang Davao Occidental, Davao Oriental, Cotabato, South Cotabato at Sultan Kudarat.
Sakaling kailanganing bumisita ng kanilang mga kababayan sa mga nabanggit na lugar, sinabi ng Canadian government na tiyakin na lamang ng mga ito ang kanilang seguridad at mag-ingat.
By: Meann Tanbio | Allan Francisco