Dalawa (2) ang napaulat na nasawi sa landslide na naganap sa Kennon Road sa Benguet.
Ayon kay Baguio City Police Head Senior Superintendent Rolando Miranda, maliban sa mga nasawing babae, 3 rin ang sugatan kung saan isa ang nabalian ng binti.
Samantala, dalawang sasakyan din ang napinsala sa naturang landslide na naganap sa Wabac, Kennon Road, Camp 7 sa lungsod ng Baguio City.
Dahil dito, pansamantalang isinara sa mga motorista ang Kennon Road.
By Ralph Obina