Dalawang lider ng bandidong Abu Sayyaf ang patay sa nangyaring engkuwentro nila sa mga sundalo sa Sulu.
Kinilala ng Western Mindanao Command ng AFP ang mga nasawi na sina Nixon Muktadil at Brown Muktadil na kilala bilang Muktadil Brothers.
Ayon kay Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng WESMINCOM, nasawi ang magkapatid sa isinagawang airstrike operations ng Joint Task Force Sulu sa Tambulian Island, Barangay Daundung sa bayan ng Pata.
Sinasabing sangkot ang magkapatid na Muktadil sa pagdukot sa 26 na Indonesian at Malaysian nationals sa karagatan ng naturang lalawigan.
By Jaymark Dagala