Dinakip ng mga otoridad ang dalawang sundalong dawit sa gun smuggling sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Barangay Sanito, sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay kaninang madaling araw ng Martes.
Kinilala ang isang suspek na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang ang isa naman ay isang corporal.
Batay sa ulat ng Police Regional Office 9,nakumpiska sa dalawa ang ilang baril, bala at higit isang milyong pisong boodle money.
Samantala, nasa kamay na ng Ipil Municipal Police Station ang dalawang nadakip na sundalo.— sa panulat ni Agustina Nolasco