Inatake ng Somali militant Islamist group Al Shabaab ang isang Mogadishu Hotel sa pamamagitang ng isang sasakyang may bomba.
Ayon sa ambulance worker na si Abdikadir Abdirahman, agad namatay ang 13 katao habang 21 naman ang sugatan.
Sinabi ni Police Officer Major Nur Osoble na isang suicide car bomber ang puwersahang pumasok sa gate ng hotel.
Nawasak ang harapang bahagi ng hotel dahil sa lakas ng impact na dulot ng pagsabog.
Ang Al Shabaab na sinasabing nasa likod ng pagsabog ay ilang beses na ring naglunsad ng bomb at gun attacks sa Mogadishu para sa planong pagpapabagsak sa Western-backed government ng Somalia.
By Mariboy Ysibido