Nagtayo ng 13 na first aid stations at welfare desk ang Philippine Red Cross (PRC) sa kahabaan ng rutang daraanan ng Traslacion.
Dahil dito, hinikayat ng PRC ang mga taong makikiisa sa Traslacion bukas na i-download at i-save ang nasabing mapa kung saan matatagpuan ang first aid stations na inilabas nila sa kanilang Facebook page.
Samantala, naglabas din ng safety tips ang PRC para sa mga lalahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno, bukas, ika-9 ng Enero.
Kabilang dito ang pagiging pamilyar sa ruta ng prusisyon, pagsasarado sa iiwanang bahay, pagtatalaga ng lugar kung saan magkikita-kita kapag may emergency, pag-alam sa emergency numbers at physical capabilities at iwasang magdala ng bata.
Habang nasa Traslacion naman, magdala ng proteksyon sa init o ulan, candy, snack at iba pang makakain at malinis na inuming tubig.
Magdala rin ng komportableng damit, magdala ng medicine kit, iwasang magsuot ng alahas at magdala ng gadgets, magdala ng sapat na pera at magtungo sa pinakamalapit na Red Cross station kapag may emergency.