Dapat nang paspasan ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects at may maipakulong sa lalong madaling panahon.
Binigyang-diin ito ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Chairman George Barcelon kasabay nang pag-aming galit na ang pribadong sektor, partikular ang mga negosyante, sa makupad na aksyon ng gobyerno upang mapanagot ang mga sangkot sa katiwalian.
Ayon kay Barcelon, mas lalong ikinagagalit ng mga lehitimong negosyante na mismong ang kanilang ibinabayad na buwis sa gobyerno, ang kinukupit ng ilang tiwaling opisyal.
Dahil din anya sa korapsyon ay diskumpiyado na ang ilang negosyante na palawakin pa ang kanilang negosyo sa bansa.
Samantala, tutol si Barcelon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na ibaba sa 50 percent ang presyo ng construction materials sa mga infrastructure project ng DPWH para matiyak na nagagamit nang tama ang pondo ng pamahalaan.




